Pangulong Marcos Jr., sinaksihan ang paglagda sa MOA para sa pagtatayo ng high-resolution weather forecasting system sa Pilipinas gamit ang AI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo ng high-resolution weather forecasting system sa Pilipinas gamit ang Artificial Intelligence o AI.

Ang MOA ay nilagdaan ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Maridon Sahagun at Atmo Inc. Founder at CEO na si Alexander Levy.

Ayon sa Pangulong, makakatulong sa Pilipinas na palakasin nito ang kakayahan sa weather forecasting kasunod ng nilagdaang kasunduan lalo’t ang Pilipinas ay isa sa mga bansang labis na naapektuhan ng bagyo, na kung saan nasa may 20 ang dumarating sa Bansa.

Ang nalagdaang kasunduan ay sinasabing magiging pinakamalaking AI-driven na programa ng weather forecasting sa Asia.

Batay sa record, naranasan ng Pilipinas ang 17 bagyo mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2023. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us