QCPD, wala pang naitatalang anumang ‘untoward incident’ sa mga binabantayang sementeryo ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa Quezon City.

Ito ang paunang assessment ng QCPD sa pagbabantay nito sa seguridad sa iba’t ibang sementeryo at kolumbaryo sa lungsod.

As of 11am, wala pang namo-monitor na anumang ‘untoward incident’ ang QCPD na may kaugnayan sa Undas.

Wala pa ring nagtangkang magpuslit ng anumang uri ng patalim at baril bagamat may mga nakukumpiskang ipinagbabawal na gamit sa entrada ng mga sementeryo gaya ng mga lighter, alcohol at mga sigarilyo.

Aabot naman sa higit 19,000 na ang naitala ng QCPD na bilang ng mga bumisita sa mga sementeryo.

Una nang siniguro ng QCPD ang deployment ng buong pwersa nito para sa isang maayos at mapayapang paggunita ng Undas.

Kasama na rin dito ang pagtatalaga ng nasa 45 mga police assistance desk na umaalalay sa mga bumibisita sa mga sementeryo at kolumbaryo.

Kaugnay nito, nakatakda namang mag-ikot si QCPD BGen. Red Maranan sa mga terminal at mga sementeryo sa lungsod upang i-monitor ang sitwasyon sa mga matataong lugar ngayong Undas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us