Robotics team sa Laoag City, pinarangalan ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Laoag ang tatlong robotic teams mula sa Ilocos Norte College of Arts and Trades at Shamrock Elementary School matapos makapag-uwi ng parangal sa 3rd Creotec National MakeX Robotics Competition na isinagawa sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay Mayor Michael Marcos Keon, ang nasabing kompetisyon ay linahukan ng 80 High Schools habang sa elementary category naman ay sinalihan ito ng 76 teams.

Nakamit ng INCAT Trojans 1 ang 1st runner up, habang ang Trojans 3, at Trojans 2 sa nasabing paaralan ay kwalipikado sa Top 10 at top 50.

Sa Elementary Category, nasa rank 7 ang Dynamic Binary, Rank 11 ang Alliance of Automation Agents at Rank 11 naman ang Digital Trojans.

Maalala na ang LGU ay nakapagbigay ng 192 robotics kit sa lahat ng paaralan sa lungsod ng Laoag upang iparanas sa mga bata ang pagabante ng teknolohiya sa ating bansa.

Umaasa naman ang alcalde na mabibigyan pa ng pondo ang nasabing proyekto upang mas maraming bata pa ang makaranas ng nasabing robotics kit. | ulat ni Jude Pitpitan | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us