Ground search and rescue teams, patungo na sa crash site ng Piper Plane sa Isabela

Patungo na ang ground search party sa lokasyon ng bumagsak na Piper Plane RPC 1234 sa bisinidad ng Brgy. Casala, San Mariano, Isabela. Ito’y makaraang matagpuan kaninang alas-8:05 ng umaga ng Philippine Air Force Sokol helicopter ang nawawalang eroplano. Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, iniulat ng Tactical Operations Group 2… Continue reading Ground search and rescue teams, patungo na sa crash site ng Piper Plane sa Isabela

Lider ng iba’t ibang political party sa Kamara, nakasuporta sa hangarin ng Marcos administration na isulong ang kapayapaan sa bansa

Nagsama-sama ang mga lider at kinatawan ng iba’t ibang political party sa Kamara para ihayag ang buong suporta sa isinusulong na usaping pangkapayapaan ng Marcos Jr. administration. Sa isang joint statement na inilabas ng House Secretary General, inilahad ng political parties na isang makasaysayang hakbang ang pagtutulak ng pamahalaan sa pagkakaisa para makamit ang pangmatagalang… Continue reading Lider ng iba’t ibang political party sa Kamara, nakasuporta sa hangarin ng Marcos administration na isulong ang kapayapaan sa bansa

Concurrent resolution bilang pagsuporta sa paggawad ng amnestiya sa ilan sa dating mga rebelde, dininig na ng kapulungan

Sinimulan nang talakayin ng Joint Committee on Justice at Defense and Security ang apat na magkakahiwalay na Concurrent Resolution upang mapagtibay ang inilabas na proklamasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maggagawad ng amnestiya sa dating mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo. Salig sa House Concurrent Resolutions 19, 20, 21 at 22 bibigyang… Continue reading Concurrent resolution bilang pagsuporta sa paggawad ng amnestiya sa ilan sa dating mga rebelde, dininig na ng kapulungan

CHR nagkasa na ng Quick Response Operation kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University

Pinagana na ng Commission on Human Rights (CHR) sa Northern Mindanao ang Quick Response Operation (QRO) para maghatid ng tulong sa pamilya ng mga nabiktima ng karumal-dumal na pambobomba sa Mindanao State University noong Linggo. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na mariin din nitong kinokondena ang pag-atake sa naturang unibersidad habang nasa gitna ng… Continue reading CHR nagkasa na ng Quick Response Operation kasunod ng pambobomba sa Mindanao State University

Pagdedeklara ng State of Emergency sa Marawi, hindi inirerekomenda ng PNP

Walang dahilang nakikita ang Philippine National Police (PNP) para irekomenda ang pagdedeklara ng State of Emergency sa Mindanao. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo na ‘on top of the situation’ pa rin ang pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kapayapaan sa bansa. Ito’y kasunod… Continue reading Pagdedeklara ng State of Emergency sa Marawi, hindi inirerekomenda ng PNP

PCO CommUnity Caravan, umarangkada na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang kauna-unahang PCO CommUnity Caravan sa Lyceum of the Philippines University. Layon ng naturang programa na maisulong ang malayang pamamahayag at media and information literacy sa mga kabataan. Sa mensahe ni Communications Secretary Cheloy Garafil, sinabi nitong isa sa mga dahilan kung bakit inilunsad ang naturang programa ay nais nitong marinig… Continue reading PCO CommUnity Caravan, umarangkada na ngayong araw

PPA, hinihikayat ang mga pasahero na magsuot ng face mask dahil sa tumataas na kaso ng influenza sa bansa

Hinihikayat ng Philippine Port Authority ang publiko na magsuot ng face mask kung magtutungo ang mga ito sa mga pantalan sa bansa. Ginawa ng PPA ang apela kasunod na rin ng naitatalang pagtaas ng kaso ng mga may influenza. Sabi ni General Manager Jay Santiago, kanilang hinihikayat ang mga pasahero ng barko na gumamit ng… Continue reading PPA, hinihikayat ang mga pasahero na magsuot ng face mask dahil sa tumataas na kaso ng influenza sa bansa

Death penalty para sa Chinese drug convicts, itinutulak ng isang mambabatas

Nais ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na patawan din ng death penalty ang Chinese nationals na mahahatulan dito sa Pilipinas dahil sa drug trafficking. Ito’y kasunod ng ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang binitay sa China dahil sa drug-related offense. Aniya, kung ganito kabigat ang… Continue reading Death penalty para sa Chinese drug convicts, itinutulak ng isang mambabatas

NHA, namahagi ng higit ₱30-M ayuda sa Palawan

Pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang pamamahagi ng P30.98 milyong halaga ng financial aid para sa higit 3,000 pamilya sa Palawan. Bahagi ito ng patuloy na intervention ng NHA sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) para sa mga pamilya sa Palawan na nawalan o nawasak ang bahay dahil… Continue reading NHA, namahagi ng higit ₱30-M ayuda sa Palawan

November inflation, bumagal sa 4.1% — PSA

Patuloy ang pagbagal ng inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Nobyembre sa 4.1%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon kay PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, mas mababa ito sa 4.9% inflation noong Oktubre at 8% inflation sa kaparehong buwan ng 2022. Pasok rin… Continue reading November inflation, bumagal sa 4.1% — PSA