67 Indigenous Peoples ang nagmartsa suot ang kanilang cultural costume sa isinagawang graduation ceremony ng Abu Integrated Farm

Animnapu’t pitong (67) Indigenous Peoples (IPs) ang nagmartsa suot ang kanilang cultural costume sa isinagawang graduation ceremony ng Abu Integrated Farm sa Sitio Bacayan, Brgy. Sinuda, Kitaotao, Bukidnon sa pangunguna ni Farm School Administrator Cynthia P. Abucayan, LGU Kitaotao Municipal Agriculture Officer Beulah Grace P. Rafisura, at TESDA Bukidnon Provincial Director Engr. Adrian B. Ampong.… Continue reading 67 Indigenous Peoples ang nagmartsa suot ang kanilang cultural costume sa isinagawang graduation ceremony ng Abu Integrated Farm

Prangkisa ng SMNI, pinasususpindi ng isang mambabatas

Inihain ni PBA Party-list Representative Margarita Nograles ang House Resolution 1499 kung saan hinihimok ang National Telecommunications Commission na suspendihin ang operasyon ng Swara Sug Media Corporation na nag-o-operate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network Inc. o SMNI. Punto ng mambabatas nilabag kasi ng SMNI ang “terms and conditions” ng kanilang prangkisa… Continue reading Prangkisa ng SMNI, pinasususpindi ng isang mambabatas

MSU students mula sa Agusan Del Sur, matagumpay na nakabalik sa  kanilang pamilya

Ayon sa Provincial Government of Agusan del Sur, 91 na estudyante mula sa Agusan del Sur na nag-aaral sa Marawi State University o MSU ang sinundo ng Agusan del Sur response team . Napag alamang ipinag- utos ni Agusan del Sur Governor Santi B. Cane ang repatriation ng nasabing mga estudyante matapos magpahayag ang mga… Continue reading MSU students mula sa Agusan Del Sur, matagumpay na nakabalik sa  kanilang pamilya

AFP, ikinalugod ang nakamit na +85% satisfaction rating

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa sambayanan sa patuloy na mataas na pagtitiwala sa militar. Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Brawner matapos na makamit ng AFP ang +85% satisfaction rating sa huling survey ng OCTA research. Ayon kay Gen. Brawner, isang pribilehiyo sa militar… Continue reading AFP, ikinalugod ang nakamit na +85% satisfaction rating

Excavation activities ng Manila Water, pansamantalang suspendido ngayong holiday season

Nag-abiso na ang Manila Water na pansamantala nitong ipatitigil ang kanilang excavation activities sa ilang major thoroughfares sa sakop na Metro Manila East Zone. Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsususpinde sa paghuhukay sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng… Continue reading Excavation activities ng Manila Water, pansamantalang suspendido ngayong holiday season

Nasa 30 kabahayan, naabo sa sunog sa Binangonan, Rizal

Hindi bababa sa 30 kabahayan ang apektado sa nangyaring sunog sa Brgy. Tagpos, Binangonan sa Rizal kaninang madaling araw. Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Binangonan, sumiklab ang sunog dakong alas-4 ng madaling araw at umakyat pa sa ikatlong alarma. Batay naman sa impormasyon mula sa Brgy. Tagpos, mabilis na kumalat… Continue reading Nasa 30 kabahayan, naabo sa sunog sa Binangonan, Rizal

Police patrol at intelligence gathering hinggil sa pambobomba sa Marawi, pinaigting ng NCRPO

Nais paigtingin ng National Capital Region Police Office ang police patrolling at intelligence gathering sa mga komunidad hinggil sa natatangap na “priority intelligence requirements” kaugnay ng nangyaring pambobomba sa isang unibersidad sa Marawi. Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., inatasan na niya ang mga police commander at operatiba ng pulisya na tingnan… Continue reading Police patrol at intelligence gathering hinggil sa pambobomba sa Marawi, pinaigting ng NCRPO

Operasyon ng MRT-3 ngayong Christmas season, di palalawigin

Nilinaw ng MRT-3 management na hindi ito maglalaan ng mas mahabang oras ng operasyon ngayong pumasok na ang Christmas Season. Ayon kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC General Manager Jorjette Aquino, hindi nila mapapahintulutan ang extended revenue hours dahil masasakripisyo rito ang maintenance ng tren. Punto ni Asec. Aquino, mahalagang sumalang sa… Continue reading Operasyon ng MRT-3 ngayong Christmas season, di palalawigin

Nawawalang piper plane sa Isabela, natagpuan na

Natagpuan na ang nawawalang Piper Plane RPC1234 sa Isabela. Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Joshua Hapinat ng Incident Monitoring Team ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC. Ayon kay Hapinat, natagpuan ang nawawalang piper plane ng SoKol Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre… Continue reading Nawawalang piper plane sa Isabela, natagpuan na

Aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Hinatuan at Cagwait, Surigao del Sur, higit 3,000 na

Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga aftershock kasunod ng nangyaring Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2 at Magnitude 6.8 na lindol rin sa bahagi naman ng Cagwait, Surigao del Sur kahapon. Ayon sa PHIVOLCS, umabot na sa higit 3,000 aftershocks ang naitatala sa magkasunod na pagyanig sa lalawigan.… Continue reading Aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Hinatuan at Cagwait, Surigao del Sur, higit 3,000 na