Ilang opisyal ng PNP, isinailalim sa balasahan

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police, halos isang linggo matapos mapalawig ang termino ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. Ito ay ayon sa inilabas na kautusan ni Acorda na pirmado ni Directorate for Personnel and Records Management Chief, P/MGen. Robert Rodriguez. Batay sa dokumentong nakuha ng Radyo… Continue reading Ilang opisyal ng PNP, isinailalim sa balasahan

Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod pang 2 linggo

Asahan pa ang mas mabigat na trapiko sa susunod na 2 weekend sa buwan ng Disyembre. Ito ang binabala ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista. Ayon MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, asahan na ang mabigat na trapiko simula ngayong araw, December 8 dahil sa long weekend bunsod ng pista ng Immaculate… Continue reading Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod pang 2 linggo

Laban kontra korapsyon, kailangan pang palakasin ng pamahalaan ayon sa isang mambabatas

Nanawagan si CIBAC Party-List Representative Bro. Eddie Villanueva sa pamahalaan na maging seryoso at pag-ibayuhin pa ang laban kontra-korapsyon…kasabay ito ng pagdiriwang ng International Anti-Corruption Day, ngayong taon. Punto ng kinatawan, dumarami na aniya ang mga Pilipinong tinatanggap na lang na normal na ang korapsyon sa gobyerno. Tinutukoy nito ang Pulse Asia survey noong June… Continue reading Laban kontra korapsyon, kailangan pang palakasin ng pamahalaan ayon sa isang mambabatas

Drug Summit, isasagawa ng DOJ sa 2024 para mapaluwag ang mga kulungan

Kumbinsido ang Department of Justice na kailangan ng rebyuhin ang kasalukuyang Dangerous Drug Act na siyang isa sa dahilan kung bakit masikip ang mga kulungan sa bansa. Ito ang nakikitang isa sa mga rason ng DOJ para solusyunan ang jail decongestion na naging dahilan ng dalawang araw na summit. Ayon kay Justice Undersecretary Jessie Andres,… Continue reading Drug Summit, isasagawa ng DOJ sa 2024 para mapaluwag ang mga kulungan

Payout para sa may 700k na reinstated 4Ps beneficiaries, pinatitiyak na mailalabas bago mag-Pasko

Nanawagan si House Committee on Poverty Alleviation Chair at 1 PACMAN party-list Rep. Michael Romero sa DSWD AT LandBank na tuparin ang pangako na maibigay ang financial assistance sa may 700,000 reinstated familily benefiaries ng 4Ps program bago mag-Pasko. Aniya, mismong LandBank ang nagsabi na aabutin lang ng 3 araw para mai-deposit ang pondo sa… Continue reading Payout para sa may 700k na reinstated 4Ps beneficiaries, pinatitiyak na mailalabas bago mag-Pasko

Lokal na pamahalaan ng Las Piñas, inilunsad ang “Love Las Piñas Christmas”

Dahil ilang linggo na lamang ay Pasko na, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang “Love Las Piñas Christmas” sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod. Dinaluhan ng anak ni Mayor Nene Aguilar na si Alelee Aguilar-Andanar, dalawang anak ni Dra. Aivee Aguilar-Teo, City Councilors, at City Department officials ang pagpapasinaya sa Christmas lighting… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Las Piñas, inilunsad ang “Love Las Piñas Christmas”

DA, namahagi ng halos ₱400-M RCEF machines sa Nueva Ecija

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng ₱400-milyong halaga ng farm equipment at makinarya na mga benepisyaryong farmer cooperative sa Nueva Ecija. Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program. Nakatuwang ng kalihim sina PHilMech Director IV Dr. Dionisio Alvindia, and PHilMech Director III Joel Dator kung… Continue reading DA, namahagi ng halos ₱400-M RCEF machines sa Nueva Ecija

Mga batang may sakit sa puso, hinandugan ng Pamasko ni Sen. Imee Marcos

Pinangunahan ngayong umaga ni Senador Imee Marcos ang pamamahagi ng Pamasko sa mga batang may sakit sa puso sa Philippine Heart Center, Quezon City. Taunang tradisyon na ito ng senador tuwing magpa-Pasko katuwang ang Heart Warriors Philippine Inc. Nasa 250 na mga batang may iba’t ibang kondisyon sa puso kasama ang kanilang mga magulang ang… Continue reading Mga batang may sakit sa puso, hinandugan ng Pamasko ni Sen. Imee Marcos

Distribusyon ng Pamaskong Handog para sa mga senior sa Valenzuela, umarangkada na

Sinimulan na ng Valenzuela local government ang taunang gift-giving tradition nito o ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga senior citizen sa lungsod. Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, aabot sa67,061 Valenzuelano senior citizens ang inaasahang makatatanggap ng Christmas package gift pack mula sa pamahalaang lungsod. Sa unang araw ng distribusyon kahapon, nasa higit 12,000… Continue reading Distribusyon ng Pamaskong Handog para sa mga senior sa Valenzuela, umarangkada na

PBBM, hinihikayat ang mga Pilipino na pairalin ang pagiging mapagbigay at kabutihang loob ngayong Feast of the Immaculate Concepcion

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na gawing inspirasyon ang Immaculate Conception sa pagharap sa mga hamon kasabay ng pagpapatibay ng kanilang paniniwala, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa mga mas nangangailangan. “During these challenging times for our country, let us draw inspiration from the narrative of the Immaculate Conception… Continue reading PBBM, hinihikayat ang mga Pilipino na pairalin ang pagiging mapagbigay at kabutihang loob ngayong Feast of the Immaculate Concepcion