Paglalagay ng concrete plant boxes sa gilid ng bike lanes, sinimulan na ng QC LGU

Inumpisahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang paglalagay ng concrete plant boxes sa gilid ng bike lanes sa buong lungsod. Layon nito na  maprotektahan ang mga nagbibisekleta na gumagamit ng Quezon City Bike Lane Network. Nauna nang inilagay ang bike ramps sa mga footbridge upang umagapay sa kanilang ligtas na pagtawid sa highways. Ang proyektong… Continue reading Paglalagay ng concrete plant boxes sa gilid ng bike lanes, sinimulan na ng QC LGU

Pulis na nagpaputok ng baril sa Malabon, nadisarmahan na — PNP

Under restrictive custody na ng Philippine National Police (PNP) ang isang tauhan nito matapos magpaputok ng baril sa Malabon City. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kabilang ang naturang pulis sa anim na naitala nilang kaso ng illegal discharge of firearm ngayong holiday season. Sinabi ni Fajardo, nabatid na accidental… Continue reading Pulis na nagpaputok ng baril sa Malabon, nadisarmahan na — PNP

Vaccination ‘demonization’ kailangan nang tugunan, ayon sa isang party-list solon

Nanawagan si ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes para baliktarin ang vaccine demonization o yung pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa pagbabakuna. Ayon sa mambabatas, matapos ang COVID-19 pandemic ay nagkaroon ng pagbaba sa vaccination rate ng bansa. Katunayan noong 2022, ayon aniya sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 72% lang ang vaccination rate… Continue reading Vaccination ‘demonization’ kailangan nang tugunan, ayon sa isang party-list solon

Ilang toll plaza sa NLEX, inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko simula ngayong hapon 

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing toll plaza sa North Luzon Expressway (NLEX) simula ngayong hapon. Sa abiso ng NLEX Corporation, mararamdaman ang mabigat na trapiko sa Bocaue Toll Plaza ngayong hapon hanggang mamayang hatinggabi, Disyembre 26, 29 at Enero 1. Gayundin sa umaga ng Disyembre 27 at Enero 2.… Continue reading Ilang toll plaza sa NLEX, inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko simula ngayong hapon 

PNP-FEO, nagbabala sa publiko hinggil sa mga bawal na paputok na ibinebenta online

Nagbabala ngayon ang Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) laban sa mga nagbebenta ng iba’t ibang ipinagbabawal na paputok online Ayon kay Police Lieutenant Arturo Garingan ng PNP-FEO, lubha kasing peligroso ang pagbili ng mga naturang paputok, hindi lamang ang paggamit nito kung hindi maging ang paghahatid nito. Kasunod niyan, sinabi ni… Continue reading PNP-FEO, nagbabala sa publiko hinggil sa mga bawal na paputok na ibinebenta online

DPWH nilagdaan na ang kontrata para sa Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project sa Western Visayas

Opisyal nang lumagda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang kontrata para sa ‘detailed engineering design’ ng Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project, na nagmarka ng isang makabuluhang milestone para sa Western Visayas Region. Inaprubahan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang Contract for Consultant’s Services kasama ang Yooshin Engineering Corporation. Ang paglipat na ito,… Continue reading DPWH nilagdaan na ang kontrata para sa Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project sa Western Visayas

14 na barangay sa QC at isa sa Valenzuela,mawawalan ng suplay ng tubig sa Dec. 27-28

Mawawalan ng suplay ng tubig ang 14 na barangay sa Quezon City simula bukas ng gabi, Disyembre 27 hanggang Disyembre 28 ng umaga. Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., ang ipapatupad na water service interruption ay bunsod ng isasagawang valve replacement sa kahabaan ng Regalado Ave. at kanto ng Commonwealth Ave., Quezon City. Kabilang… Continue reading 14 na barangay sa QC at isa sa Valenzuela,mawawalan ng suplay ng tubig sa Dec. 27-28

Kalidad ng hangin sa Quezon City nitong araw ng Pasko, naging maganda

Napanatili sa lungsod Quezon ang magandang kalidad ng hangin nitong nakalipas na Disyembre 24 hanggang 25, araw ng Pasko. Ito’y base sa pinakahuling pagsusuri sa ginawang Air Quality Index ng mga tauhan ng Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Development sa lungsod. Ginawa ang hakbang upang bantayan ang kalidad ng hangin sa lungsod sa… Continue reading Kalidad ng hangin sa Quezon City nitong araw ng Pasko, naging maganda

Foreign visits ni PBBM, nagresulta ng ₱4.019-T na pinagsama-samang investments

Umabot sa ₱4.019 trillion US$72.178 billion na kabuuang investment ang bunga ng mga naging foreign visits ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Base ito sa nakalap na impormasyon ng Presidential Communications Office mula sa Department of Trade and Industry. Ang estado ng nabanggit na halaga ng investment ay nasa kategoryang ‘investment promotion agency registered with… Continue reading Foreign visits ni PBBM, nagresulta ng ₱4.019-T na pinagsama-samang investments

Pangkalahatang pagdiriwang ng Pasko sa Quezon City, naging mapayapa — QCPD

Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatang pagdiriwang ng Pasko sa Quezon City. Sinabi ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Redrico Maranan na walang naitala ang QCPD ng anumang ‘major untoward incident’ saan mang lugar sa buong lungsod. May kabuuang 1,827 tauhan mula sa QCPD headquarters at mga istasyon ng pulisya ang ipinakalat… Continue reading Pangkalahatang pagdiriwang ng Pasko sa Quezon City, naging mapayapa — QCPD