Pagsali sa PNP ng 294 na dating MILF at MNLF fighters, pinuri ni Sec. Galvez

Malaking hakbang sa pagsulong ng Bangsamoro Peace Process ang “integration” bilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng 294 na dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF). Ito ang inihayag ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. nang manumpa… Continue reading Pagsali sa PNP ng 294 na dating MILF at MNLF fighters, pinuri ni Sec. Galvez

DOTr at LTFRB, muling nanindigan na walang magiging transport crisis pagsapit ng Enero

Muling siniguro ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magiging transport crisis sa Metro Manila pagsapit ng Enero ng 2024. Ito ay kahit pa matapos na ang deadline sa aplikasyon para sa industry consolidation ng traditional jeepneys sa Dec. 31. Sa isang pulong balitaan, sinabi ng LTFRB na… Continue reading DOTr at LTFRB, muling nanindigan na walang magiging transport crisis pagsapit ng Enero

Pinsala sa irrigation infrastructures dulot ng magkasunod na malakas na lindol, pumalo na sa higit ₱109-M

Umabot na sa ₱109,493,000 ang pinsala sa irrigation infrastructures ng National Irrigation Administration dulot ng magkasunod na lindol noong Nobyembre 20 at Disyembre 2, 2023. Ayon kay NIA Acting Administrator Eduardo Eddie Guillen, nasa 7,241 ektarya ng agricultural lands at 5,424 farmer-beneficiaries ang naapektuhan. Nasa ₱46,000 ang halaga ng pinsala sa Samar National Irrigation Project… Continue reading Pinsala sa irrigation infrastructures dulot ng magkasunod na malakas na lindol, pumalo na sa higit ₱109-M

Pagkakaisa sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa, ipinanawagan ni Sec. Teodoro sa paggunita Rizal Day

Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. speaks before a recent DND event. Presidential Communications Office

Nanawagan si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro sa mamamayan na isabuhay ang pagmamahal sa bayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at manatiling nagkakaisa sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa. Ang panawagan ay ginawa ng kalihim sa kanyang mensahe sa bisperas ng paggunita ng “Rizal Day” bukas Disyembre 30, na araw… Continue reading Pagkakaisa sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa, ipinanawagan ni Sec. Teodoro sa paggunita Rizal Day

PNP Chief, nag-inspeksyon sa bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan

Pinangunahan ngayong umaga ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang pag-iinspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon. Kasama ni Gen. Acorda sa pagbisita sa tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” si Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director Police Brig. General Jose Hidalgo… Continue reading PNP Chief, nag-inspeksyon sa bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan

MMDA, may paalala sa mga awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA busway

Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga driver ng awtorisadong mga sasakyang dumaraan sa EDSA busway. Ito’y matapos masangkot sa aksidente ang isang police mobile na pumasok sa EDSA busway, dahilan upang bumangga naman sa railings ng MRT 3 ang dumaraang bus sa bahagi ng EDSA-Santolan southbound kamakalawa. Dahil sa aksidente, nagresulta ito… Continue reading MMDA, may paalala sa mga awtorisadong sasakyan na dumaraan sa EDSA busway

Pagbabayad ng kontribusyon at sickness notification ng mga employer sa SSS, pinalawig hanggang ngayong araw

Nag-abiso ang Social Security System (SSS) na pinalawig pa nito hanggang ngayong araw, Dec. 29 ang deadline para sa pagre-remit ng SSS contribution sa employers at Coverage and Collection Partners (CCP) Ayon sa SSS, maaari pang mabayaran ng mga business employer ang kontribusyon ng kanilang mga manggagawa para sa buwan ng Setyembre at Oktubre hanggang… Continue reading Pagbabayad ng kontribusyon at sickness notification ng mga employer sa SSS, pinalawig hanggang ngayong araw

Suspek sa pagpapakalat ng sex video, arestado ng ACG

Inaresto ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang lalaki na inireklamo sa pagpapakalat ng sexually-explicit video ng complaint sa kanyang ka-trabaho. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief Police Colonel Jay Guillermo ang suspek na si John Paul Mendoza alyas Jaypee, 28, residente ng Pinagbuhatan, Pasig City. Naaresto ang suspek kahapon sa Monaco Street, Rosario, Pasig… Continue reading Suspek sa pagpapakalat ng sex video, arestado ng ACG

Ilang pamilyang katutubo na natulungan sa Oplan Pag-abot ng DSWD, naihatid na sa Capas, Tarlac

Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indibidwal na naaabot sa mga reach out operations nito sa Metro Manila. Ayon sa DSWD, kasama sa natulungan nito ang ilang pamilyang katutubo na naihatid na ng mga social worker sa Capas, Tarlac. Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa na-reach out… Continue reading Ilang pamilyang katutubo na natulungan sa Oplan Pag-abot ng DSWD, naihatid na sa Capas, Tarlac

Bangko sa Pasong Putik, QC, sinalpok ng SUV; 7 sugatan

Aabot sa pitong katao ang sugatan matapos sumalpok at dumiretso ang isang Toyota Fortuner sa loob ng isang branch ng Banco De Oro (BDO) sa Quirino Highway sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Huwebes, December 28 ng hapon. Batay sa inilabas na CCTV footage ng QCPD, makikitang malaki ang pinsalang idinulot ng bumanggang sasakyan… Continue reading Bangko sa Pasong Putik, QC, sinalpok ng SUV; 7 sugatan