Ayuda program na nakapaloob sa 2024 budget, makatutulong sa vulnerable sector na posibleng maaapektuhan ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si House Minority Leader Marcelino Libanan na malaking tulong para sa mga mahihirap at vulnerable sector ang pinalawig na ayuda program ng pamahalaan na nakapaloob sa 2024 national budget.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ito lalo na at posibleng magdulot ng pagtaas sa presyo ng bilihin ang epekto ng El Niño sa mga tanim at ani.

Malaking bagay na rin aniya ang ipinatupad na taas-sahod ng Tripartite Wages and Productivity Board para sa minimum wage employees sa pribadong mga establisyimento.

“We are counting on the expanded cash aid and other forms of government support, such as food stamps, to serve as a buffer and provide relief to disadvantaged households. Along with the recent increases in the regional minimum wage rates, the subsidies will help struggling families grapple with the upward pressure on consumer prices,” sabi ni Libanan.

Kasama sa social services program na pinondohan sa 2024 national budget ang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) na nagkakahalaga ng P60 billion.

Dito bibigyan ng one-time P5,000 cash assistance ang nasa 12 milyong near poor na kabahayan.

Maliban pa ito sa P30 billion para sa TUPAD program at P23 billion na AICS program.

Batay sa pagtaya ng DOST, makakaranas ang nasa 65 probinsya ng drought o matinding tag-tuyot dahil sa mas matinding El Niño pagsapit ng May 2024. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us