Bahagi ng Maginhawa St. sa QC, isasara para sa isasagawangMaginhawa Arts and Food Festival 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula alas 10:00 kagabi, nagpatupad na ng traffic re-routing sa bahagi ng Maginhawa st sa lungsod Quezon na tatagal hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ng Linggo, December 3, 2023.

Ito’y para bigyang daan ang isasagawang Maginhawa Arts and Food Festival 2023 ngayong araw.

Sa abiso ng Quezon City Traffic and Transport Management Department, ilang kalsada ang isasara kaya asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa Street.

Kabilang sa maapektuhan ang bahagi ng Maginhawa St. corner Malingap St. hanggang Magiting St. Isasara rin ang B. Baluyot St. corner Masinsinan St.

Ipapatupad naman ang traffic rerouting para sa mga motorista mula sa CP Garcia Ave. to Maginhawa St. Maaari silang dumaan sa Magiting st.

Mula Maginhawa St. papuntang Malingap St., maaari silang dumaan sa Magiting St, Matimtiman St., at Mahiyain St. hanggang Kalayaan Avenue.

Maginhawa St. papuntang CP Garcia Avenue, maaari silang kumanan sa B. Baluyot St. at kumaliwa sa Masinsinan St.

Samantala, ipapatupad naman ang two-way traffic sa CP Garcia to Maginhawa St. (via Magiting St.), Malingap St. to Mapagkawanggawa St.( via Matimtiman, Mahiyain St.), Mapagkawanggawa St. to Matimtiman St. ( via Magiting, Mabait, Mahabagin, Maalalahanin St.).

Magiging one-way traffic naman ang B. Baluyot St. to CP Garcia ( via Masinsinan St.), Maginhawa St. to Matimtiman St. ( via Magiting St.).| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us