Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office-National Capital Region ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na sangkot sa aksidente sa Mandaluyong City nitong Disyembre 23.
Naglabas na ng show cause order ang LTO-NCR nitong weekend laban sa may-ari at driver ng Mitsubishi Montero na may plate no. WTQ 575.
Inuutusan ang mga ito na sumipot sa LTO-NCR Regional Office sa Enero 4, 2024 ng hapon dala ang notaryadong affidavit ng kanilang paliwanag.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, kaniyang nabatid na hindi pa rehistrado ang sasakyan nang mangyari ang aksidente.
Pansamantala nang sinuspinde ng 90 araw ang registration ng Mitsubishi Montero at ang non-professional driver’s license ng driver. | ulat ni Rey Ferrer