NCR, nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming naitala na mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon

Pumalo na ngayon sa 443 ang kaso ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sa bilang na ito, nasa 441 ang sugatan dahil sa paputok, isa ang insidente ng paglunok ng Watusi, at isang ‘stray bullet incident’. Sa 12NN incident report ng Department of Health, halos anim sa bawat 10 kaso ay nagmumula sa… Continue reading NCR, nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming naitala na mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon

Pilipinas, handang magpaabot ng tulong sa Japan, kasunod ng pagtama ng 7.6 magnitude earthquake — PBBM

Mahigpit ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Japan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino doon, matapos ang pagtama ng 7.6 magnitude na lindol sa Ishikawa. Sa maikling mensahe ng Pangulo, tiniyak nito ang kahandaan ng bansa na magpaabot ng anumang tulong na kakailanganin. Nakakalungkot aniya ang pangyayaring ito na sumabay… Continue reading Pilipinas, handang magpaabot ng tulong sa Japan, kasunod ng pagtama ng 7.6 magnitude earthquake — PBBM

Pagpapatupad sa RCEF, nais palawigin ng isang kongresista

Ipinapanukala ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na palawigin ang implementasyon ng rice competitiveness enhancement fund o RCEF program. Sa kaniyang House Bill 9547, aamyendahan ang Agricultural Tariffication Act upang mula sa anim na taon ay gawing nang 12 taon ang implementasyon ng programa. Batay sa batas, sa ika-anim na taon ng RCEF ay isasailalim… Continue reading Pagpapatupad sa RCEF, nais palawigin ng isang kongresista

PNP Chief, pinuri ang mga pulis sa mataas na bilang ng nakumpiskang paputok

Umabot sa 216,000 piraso ng ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng ₱4.1 milyon ang nakumpiska ng PNP sa kanilang Oplan Ligtas Paskuhan 2023. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kahanga-hanga ang doble-kayod na ginawa ng mga pulis, dahil mas mataas ito sa ₱2.5 milyong halaga ng nakumpiska noong nakalipas na taon. Gayunman,… Continue reading PNP Chief, pinuri ang mga pulis sa mataas na bilang ng nakumpiskang paputok

Pagdiriwang ng Bagong Taon, naging mapayapa — QCPD

Naging maayos at mapayapa sa kabuuan ang naging pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod Quezon, ayon ‘yan sa Quezon City Police District (QCPD). Sa isang pahayag, sinabi ni QCPD Director, PBGen. Redrico A. Maranan na maliban sa naiulat na isang insidente ng ‘indiscriminate firing’, wala nang anumang ‘major untoward incident’ ang naitala sa lungsod. Kaugnay… Continue reading Pagdiriwang ng Bagong Taon, naging mapayapa — QCPD

4 na kainuman ng biktima ng umano’y ‘stray bullet’, iniimbestigahan ng PNP

Iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang apat na kainuman ng biktimang nasawi matapos na umano’y tamaan ng ligaw na bala sa Mariveles, Bataan. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nangyari ang insidente noong pagsalubong ng Bagong Taon. Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman umano ang apat… Continue reading 4 na kainuman ng biktima ng umano’y ‘stray bullet’, iniimbestigahan ng PNP

Mangingisdang Palaweño, na-rescue sa WPS matapos ang walong araw sa karagatan

Ligtas nang matagpuan ng isang Chinese fishing vessel ang 31-anyos na mangingisdang Palaweño na si Rosalon Cayon o mas kilala sa tawag na “Baron” matapos ang walong araw na palutang-lutang sa karagatan gamit ang balsang yari sa styrofoam. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Palawan sa kaniyang kapatid na si Che Cayon, lumubog ang bangka ng… Continue reading Mangingisdang Palaweño, na-rescue sa WPS matapos ang walong araw sa karagatan

Humigit kumulang 30 sasakyan, hinuli ng MMDA dahil sa iba’t ibang paglabag

Muling nagkasa ng operasyon ngayong araw ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group sa kahabaan ng EDSA. Kabilang sa pinostehan ng mga tauhan ng MMDA ay ang Northbound lane ng EDSA Ortigas – Corinthians (pagbaba ng flyover), EDSA Megamall Northbound at EDSA Pioneer Southbound. Nagresulta ito sa humigit kumulang 30… Continue reading Humigit kumulang 30 sasakyan, hinuli ng MMDA dahil sa iba’t ibang paglabag

Pagpapalakas sa health system ng bansa ngayong taon, binigyang diin ng isang mambabatas

Muling ipinaalala ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang kahalagahan na palakasin ang health system ng bansa upang mabilis na matugunan ang anumang pandemya na maaaring tumama sa hinaharap. Ayon kay Quimbo, maliban sa pagtatayo ng health infrastructure ay kailangan ding masiguro na may sapat na human resource ang health sector. Kaya malaking bagay aniya ang… Continue reading Pagpapalakas sa health system ng bansa ngayong taon, binigyang diin ng isang mambabatas

Mas ligtas na 2024, inaasahan ni Sec. Año

Umaasa si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa mas ligtas na taong 2024 sa buong bansa. Sa kanyang New Year’s Message, tiniyak ng kalihim na hindi natitinag ang commitment ng buong Security sector sa pagtataguyod ng pambansang seguridad. Mas lalo aniyang napalakas ang kanilang determinasyon na pangalagaan ang bansa makalipas ang mga hamong hinarap… Continue reading Mas ligtas na 2024, inaasahan ni Sec. Año