Maghahandog ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ng 100 ambulansya sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa.
Layon nitong maghatid ng maagap na serbisyong medikal at tulungan ang mga pasyenteng nangangailangan sa mga komunidad.
Sa ginanap na kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Granstand sa Maynila, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles, na ang pagbibigay ng patient transport vehicle ay isang paraan upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang serbisyong medikal lalo na sa panahon ng emergency.
Ani Robles, nakaukit na sa tungkulin ng PCSO na tumulong sa mga pasyenteng nangangailangan. | ulat ni Diane Lear