2 asosasyon sa Virac, nabigyan ng kapital ng DSWD

Personal na tinanggap ng dalawang asosasyon sa Virac ang tulong pinansyal mula sa programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Virac. Layon ng DSWD-SLP na matulungan at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay suporta partikular sa kanilang mga… Continue reading 2 asosasyon sa Virac, nabigyan ng kapital ng DSWD

Biyahe ng LRT line 2, bahagyang naantala

Pansamantalang naantala ang pagbubukas ng Light Rail Transit (LRT) line 2 ngayong umaga. Ito’y batay sa abiso ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay bunsod ng aberya sa suplay ng kuryente. Gayunman, tiniyak ng pamunuan ng LRTA na kanilang isinasaayos na ang problema upang agad maibalik sa normal ang kanilang operasyon. Nagresulta naman… Continue reading Biyahe ng LRT line 2, bahagyang naantala

Ilang jeepney drivers sa QC, bukas na magmaneho sa mga kooperatiba

Bukas ang ilang jeepney driver sa Quezon City na magmaneho sa mga transport cooperative sakali mang magbukas ang mga ito ng aplikasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program. Kasunod ito ng pahayag ng Office of Transport Cooperatives na handa ang mga kooperatiba at korporasyon na tumanggap ng mga driver mula sa mga unconsolidated operators para… Continue reading Ilang jeepney drivers sa QC, bukas na magmaneho sa mga kooperatiba

Sen. Joel Villanueva, iginiit na hindi dapat gamitin ang People’s Initiative para sa pansariling interes ng iilan

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva na tigilan na ang panlilinlang at pananakot sa taumbayan ng ilang nagsusulong ng People’s Initiative para sa Charter change (chacha). Ito ang pahayag ng senador sa gitna ng impormasyon na may mga nanunuhol kapalit ng pirma para sa petisyon ng suporta para sa chacha. Ayon kay Villanueva, dapat… Continue reading Sen. Joel Villanueva, iginiit na hindi dapat gamitin ang People’s Initiative para sa pansariling interes ng iilan

Batangas Rep. Ralph Recto, nakatakdang manumpa ngayong araw bilang bagong kalihim ng Dept of Finance

Manunumpa sa kanyang bagong tungkulin si Batangas Representative Ralph Recto bilang bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasunod ito ng pagkakatalaga kay Recto ng Punong Ehekutibo bilang bagong kalihim sa Finance Department kapalit ni Secretary  Benjamin Diokno. Una nang kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil ang pagkakatalaga kay Recto… Continue reading Batangas Rep. Ralph Recto, nakatakdang manumpa ngayong araw bilang bagong kalihim ng Dept of Finance

Pres. Marcos Jr, ipinagmalaki sa diplomatic corps ang pagkakabangon ng Pilipinas mula sa pandemya

Nakabangon na ang bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic maging sa epekto ng Ukraine- Russia war at tensiyon sa Gitnang Silangan. Ito ang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa harap ng diplomatic corps kasunod ng isinagawang taunang Vin d Honneur sa Malacañang. Back to business na, sabi ng Pangulo ang Pilipinas… Continue reading Pres. Marcos Jr, ipinagmalaki sa diplomatic corps ang pagkakabangon ng Pilipinas mula sa pandemya

Pagbibigay insentibo sa mga may-ari ng pribadong lote na makikiisa sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, ikinukonsidera

Suportado ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora ang mungkahing bigyan ng insentibo ang mga may-ari ng pribadong lote para gamiting staging area sa mga matutukoy na benepisyaryo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Administrasyong Marcos. Ayon kay Mayor Zamora, ito’y para hindi na lumayo pa ang mga… Continue reading Pagbibigay insentibo sa mga may-ari ng pribadong lote na makikiisa sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, ikinukonsidera

Reklamo laban sa retiradong heneral at vlogger na nandawit sa mga pinuno ng AFP at PNP sa usapin ng destabilisasyon, tuloy — PNP Chief Acorda

Wala nang atrasan ang reklamong inihain ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. laban kay retired Army General Johnny Macanas Sr. Ito’y kahit pa pinalitan na ni Macanas ang thumbnail ng kaniyang video sa social media page na “The General’s Opinion” na una nang nagdadawit kina Acorda gayundin kay AFP Chief of… Continue reading Reklamo laban sa retiradong heneral at vlogger na nandawit sa mga pinuno ng AFP at PNP sa usapin ng destabilisasyon, tuloy — PNP Chief Acorda

NTF-ELCAC sa NPA: Sumuko na bago makasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law

Hinikayat ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga nalalabing miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na kung ayaw nilang makasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law. Ang panawagan ay ginawa ni NTF-ELCAC Spokesperson at Director-designate ng NTF-ELCAC Integrated Communications Operations Center (ICOC) Joel Sy Egco, sa lingguhang… Continue reading NTF-ELCAC sa NPA: Sumuko na bago makasuhan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law

Halos 4,000 pulis napatawan ng parusa sa iba’t ibang kaso sa panahon ng administrasyong Marcos

Umabot sa 3,932 ang mga pulis na napatawan ng parusa sa iba’t ibang kaso mula July 1, 2022 hanggang January 3 ng taong ito. Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon. Sa bilang na ito, 985 ang tuluyang na-dismiss sa serbisyo,… Continue reading Halos 4,000 pulis napatawan ng parusa sa iba’t ibang kaso sa panahon ng administrasyong Marcos