Dagdag na linya ng tren sa C5 at Skyway, mungkahi ng isang mambabatas

Iminungkahi ni Manila Representative Joel Chua na magkaroon ng dagdag na linya ng tren sa C5 at sa ilalim ng Skyway. Ito aniya ay upang maibsan ang sikip ng trapiko sa EDSA na aniya ay naging masyado nang congested ngayon. Naniniwala si Chua na malaking kaginhawaan ito lalo na sa mga biyahero na residente ng… Continue reading Dagdag na linya ng tren sa C5 at Skyway, mungkahi ng isang mambabatas

Paggawad ng promosyon sa 5 matataas na opisyal ng AFP, pinangunahan ng AFP Chief

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paggawad ng promosyon sa limang matataas na opisyal ng militar. Ito ay sa isinagawang Donning of Ranks Ceremony ngayong araw sa Camp Aguinaldo. Kabilang sa mga umangat sa susunod na ranggo sina: Presidential Security Command (PSC) Commander Major General… Continue reading Paggawad ng promosyon sa 5 matataas na opisyal ng AFP, pinangunahan ng AFP Chief

Tangkang pag-kidnap sa isang Chinese National sa Pasay City, naharang ng Pulisya

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang panibagong accomplishment ng Pulisya. Ito’y makaraang maharang ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Pasay City Police Office ang tangkang pagdukot ng apat na indibidwal kabilang na ang isang dating pulis sa isang babaeng Chinese. Sa pulong balitaan sa Kampo… Continue reading Tangkang pag-kidnap sa isang Chinese National sa Pasay City, naharang ng Pulisya

Pinay OFW na inabuso sa Brunei, balik Pilipinas na sa tulong ng LGU Bayambang at OWWA

Nakabalik na sa Pilipinas sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kamay ng kanyang amo sa bansang Brunei. Napag-alaman ng LGU mula sa nasabing Pinay na ito… Continue reading Pinay OFW na inabuso sa Brunei, balik Pilipinas na sa tulong ng LGU Bayambang at OWWA

Mataas na lider ng CTG, sinilbihan ng ‘warrant of arrest’ ng CIDG

Matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang ‘warrant of arrest’ laban sa isang mataas na lider ng Communist Terrorist Group (CTG) habang nakakulong sa Tangub City Jail sa Misamis Occidental. Ayon kay CIDG Director, P/MGen. Romeo Caramat Jr, ito’y kaugnay naman sa hiwalay na kasong murder na kinahaharap ni… Continue reading Mataas na lider ng CTG, sinilbihan ng ‘warrant of arrest’ ng CIDG

Walang patid na supply line sa Ayungin Shoal, titiyakin ng AFP

Titiyakin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaabala ang supply line sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ang pagtiyak ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, kasunod na napaulat na pagka-unsyame ng regular na Rotation and Resupply (RoRe) Mission sa BRP Sierra Madre… Continue reading Walang patid na supply line sa Ayungin Shoal, titiyakin ng AFP

7 bahay, naabo matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City

Naabo ang hindi bababa sa 7 bahay matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City sa Rizal. Batay sa ulat ng Antipolo City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa naturang junkshop sa bahagi ng Ma. Corazon Phase 3 sa Brgy. Bagong Nayon pasado alas-5 ng umaga. Ayon kay BFP Antipolo Chief for… Continue reading 7 bahay, naabo matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City

Nueva Ecija solon, ikinalugod ang desisyon ng DA na ipatigil muna ang pag-aangkat ng sibuyas

Welcome para kay Nueva Ecija Rep. Ria Vergara ang hakbang ng DA na magpataw ng moratorium sa pag-aangkat ng sibuyas. Ayon kay Vergara, magandang balita ito lalo na at sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay magsisimula nang mag-ani ng sibuyas ang mga lokal na magsasaka. Paalala ng mambabatas, dapat ay alamin muna ng DA… Continue reading Nueva Ecija solon, ikinalugod ang desisyon ng DA na ipatigil muna ang pag-aangkat ng sibuyas

German Federal Criminal Police Liaison Office, nagbigay ng logistics sa NBI

Nagbigay ng iba’t ibang equipment sa National Bureau of Investigation ang German Federal Police Liaison Office na magagamit laban sa human trafficking sa bansa. Ang mga donasyong equipment ay ipinagkaloob ni German Ambassador to Manila, Dr. Andreas Pfaffernoschke, kay NBI Director Medardo De Lemos. Ilan sa mga ipinagkaloob na equipment ang 10 units ng laptop,… Continue reading German Federal Criminal Police Liaison Office, nagbigay ng logistics sa NBI

Dalawang bayan ng Occidental Mindoro, tinamaan na rin ng ASF

Kinumpirma ng Department of Agriculture na tinamaan na rin ng African Swine Fever (ASF) ang dalawang bayan ng Occidental Mindoro. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, batay sa impormasyon mula sa Bureau of Animal Industry, naitala ang kaso ng ASF sa mga bayan ng Santa Cruz at San Jose. Agad naman aniyang kumilos… Continue reading Dalawang bayan ng Occidental Mindoro, tinamaan na rin ng ASF