Task Force El Niño, nagpulong ngayong araw matapos muling buhayin ni Pangulong Marcos Jr.

Alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bisa ng Executive Order No. 53, muling nagpulong sa Kampo Aguinaldo ang binuhay na Task Force El Niño. Sa pagpupulong ngayong hapon, inilatag ni Office of the Civil Defense Chairperson at Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. ang mga direktiba ni Pangulong Marcos bilang siya ring… Continue reading Task Force El Niño, nagpulong ngayong araw matapos muling buhayin ni Pangulong Marcos Jr.

DSWD at DILG nagsanib pwersa para sa ‘environmental responsibility’ sa lokal na komunidad

Magkatuwang ang programa ng Department of Social Welfare and Development na “Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan -Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services “o KALAHI-CIDSS at programa ng Department of the Interior and Local Government na “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan” o KALINISAN Program sa pagpapalawig ng ‘environmental responsibility’ sa bansa. Ayon kay… Continue reading DSWD at DILG nagsanib pwersa para sa ‘environmental responsibility’ sa lokal na komunidad

Lalaki na nagbantang ikakalat ang maseselang larawan at video ng isang misis sa Taguig, arestado

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang lalaking suspek, na nagbantang ikakalat ang mga hubad na larawan at video ng kanyang ka-chat na babaeng may-asawa sa Facebook. Kinilala ang suspek na si Vicente Bahalia Nuñez, 32, na tubong Hilongos, Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. Inaresto ang suspek… Continue reading Lalaki na nagbantang ikakalat ang maseselang larawan at video ng isang misis sa Taguig, arestado

DOH at mga LGU, pinaglalatag ng hakbang para tugunan ang posibleng sakit dulot ng El Niño

Hinikayat ng isang mambabatas ang Department of Health at mga lokal na pamahalaan na palakasin ang ugnayan para paghandaan ang mga sakit na posibleng umusbong dahil sa El Niño phenomenon. Ayon kay BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co ang “dry season illness” o mga sakit na kadalasang sumusulpot sa panahon ng tag-init ay maaaring tumindi… Continue reading DOH at mga LGU, pinaglalatag ng hakbang para tugunan ang posibleng sakit dulot ng El Niño

Karagdagang ₱28-M pondo sa pagsugpo ng ‘environmental crimes’, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Inilunsad ng Estados Unidos ang ikalawang yugto ng kanilang “Environmental Justice Sector and Law Enforcement Support for the Philippines” project na magkakaloob ng karagdagang ₱28 milyong pondo para sa pagsugpo ng “environmental crimes” sa Palawan. Ang pagpapatuloy ng proyekto ay inilunsad kahapon sa seremonya sa Puerto Princessa, Palawan. Dito’y ipinagkaloob ni U.S. Forest Service Program… Continue reading Karagdagang ₱28-M pondo sa pagsugpo ng ‘environmental crimes’, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Kabuhayan ng mga mangingisda, tututukan ng BFAR at NAPC

Magtutulungan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at National Anti-Poverty Commission para isulong ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mangingisda sa bansa. Isang kasunduan ang nilagdaan na ng BFAR, NAPC at ng Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (AFSC) para dito. Magsisilbing daan umano ito para mapanatili ang pagtutulungan ng magkabilang panig… Continue reading Kabuhayan ng mga mangingisda, tututukan ng BFAR at NAPC

Iligal na recruitment agency sa QC, ipinasara ng DMW

Ikinandado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang hindi lisensyadong recruitment firm na nag-aalok ng mga modus na trabaho abroad. Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac katuwang ang Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at PNP ang closure operations sa Legal Connect Travel Consultancy Agency na matatagpuan sa Unit 705, DHC Real Estate Lessor… Continue reading Iligal na recruitment agency sa QC, ipinasara ng DMW

₱133-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa loob ng unang 18 araw ng taon

Nasa halos ₱133 milyon na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police mula Enero 1 hanggang Enero 18 ng taon. Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang naturang halaga ay resulta ng 1,376 na anti-illegal drug operation sa loob ng naturang panahon. Nasa 1,661 drug personalities naman ang naaresto… Continue reading ₱133-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa loob ng unang 18 araw ng taon

Halos 1,000 tauhan ng MMDA, ipakakalat sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas

Aabot sa 914 na mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipakakalat sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Linggo, Enero 28. Ayon sa MMDA, kinabibilangan ito ng mga traffic personnel, road emergency group, sidewalk clearing operations, towing at impounding at iba pa. Layon nito na umalalay sa… Continue reading Halos 1,000 tauhan ng MMDA, ipakakalat sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas

Mga tanggapan ng pamahalaan, hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC — PBBM

Binigyang diin muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kinikilala ng kaniyang administrasyon ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC). Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng mga napaulat na nakapasok na sa Pilipinas ang ilang miyembro ng ICC at tapos nang magsagawa ng imbestigasyon. Sabi ng Pangulo, banta sa soberanya ng bansa ang… Continue reading Mga tanggapan ng pamahalaan, hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC — PBBM