Philippine Army, nakikipagtulungan sa mga pamahalaang panlalawigan ng Davao sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng shear line

Nakikipagtulungan ang 10th Infantry Division (10ID) ng Philippine Army sa mga pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao Oriental sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na apektado ng malakas na pag-ulan dulot ng shear line. Unang nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang 10ID sa pamamagitan ng… Continue reading Philippine Army, nakikipagtulungan sa mga pamahalaang panlalawigan ng Davao sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng shear line

Pinsala ng shear line sa sektor ng agrikultura, umabot na sa higit ₱78-M

Pumalo na sa P78.14 milyon ang halaga ng pinsala ng shear line sa sektor ng agrikultura. Batay sa datos ng DA-DRRM Operations Center, nasa higit 8,000 ektarya ng mga pananim ang napinsala kung saan karamihan ay mga bagong tanim pa lang na palay at mais. Kaugnay nito, mayroon na ring 6,375 na magsasaka ang naapektuhan… Continue reading Pinsala ng shear line sa sektor ng agrikultura, umabot na sa higit ₱78-M

Pangulong Marcos Jr., ipinauubaya na sa Comelec ang pag-validate sa mga pirma sa People’s Initiative campaign

Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Commission on Elections ang beripikasyon ng mga nalikom na pirma sa ilalim ng People’s Initiative campaign na layong baguhin ang 1987 Constitution. Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng mga lumutang na impormasyon na pinangangakuan ng kung anu-anong ayuda ang publiko, kapalit ng kanilang pirma. “Well, pagka-binayaran… Continue reading Pangulong Marcos Jr., ipinauubaya na sa Comelec ang pag-validate sa mga pirma sa People’s Initiative campaign

Pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Caraga at Davao Region dulot ng sama ng panahon, lagpas na sa ₱100-M

Umabot na sa ₱105-milyong piso ang halaga ng pinsala dulot ng sama ng panahon dahil sa shear line sa CARAGA at Davao Region. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang ₱78.1-million ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura kung saan nasa 6,375 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang… Continue reading Pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Caraga at Davao Region dulot ng sama ng panahon, lagpas na sa ₱100-M

CIDG, pinakikilos para paigtingin ang kampanya kontra piracy sa mga pelikulang Pilipino

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na habulin ang mga nasa likod ng pamimirata sa mga pelikulang Pilipino. Ito’y makaraang dumulog kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr. ang iba’t ibang grupo ng mga film producer noong… Continue reading CIDG, pinakikilos para paigtingin ang kampanya kontra piracy sa mga pelikulang Pilipino

Retiradong AFP generals, muling tiniyak ang suporta para sa pamahalaan

Apat na grupo ng retiradong military generals ang humarap kay Speaker Martin Romualdez nitong Lunes upang ihayag muli ang buong suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa liderato ng Kongreso. Nasa 22 dating heneral ang dumalo sa naturang pulong na inorganisa ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAAI), Association of Generals and Flag… Continue reading Retiradong AFP generals, muling tiniyak ang suporta para sa pamahalaan

Focus crimes sa QC, bumaba ng higit 47% — QCPD

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) ang naitalang malaking pagbaba sa focus crimes na naitala sa lungsod. Batay sa datos ng QCPD, bumaba sa 47.47% ang walong Focus Crimes sa Quezon City mula January 15-22, 2024 o katumbas ng 20 insidente lamang. Kabilang sa walong Focus Crimes ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping… Continue reading Focus crimes sa QC, bumaba ng higit 47% — QCPD

US officials, naniniwala sa kakayahan ng Pilipinas bilang investment destination kasunod ng mga “latest development” sa bansa

Kinilala ni US Treasury Department  Deputy Assistant Secretary for Asia Robert Kaproth ang matibay na macroeconomic fundamentals ng Pilipinas at kakayahan nitong maging investment destination. Ginawa ng US official ang pahayag kasunod ng kanyang pulong kay Finance Secretary Ralph Recto kasama ang ilang US officials. Ayon kay Sec. Kaproth ang  mga latest development sa Pilipinas… Continue reading US officials, naniniwala sa kakayahan ng Pilipinas bilang investment destination kasunod ng mga “latest development” sa bansa

Presyo ng well milled na bigas, tumaas sa unang bahagi ng Enero — PSA

Tumaas ang presyo ng well-milled na bigas batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang bahagi ng Enero 2024. Ayon sa PSA, tumaas sa ₱55.50 sa national level ang kada kilo ng well-milled rice mula January 1 hanggang January 5. Mas mataas ito sa ₱54.76 kada kilo na average retail price ng well-milled… Continue reading Presyo ng well milled na bigas, tumaas sa unang bahagi ng Enero — PSA

Quezon solon, itinalaga bilang bagong Deputy Speaker ng Kamara

Pormal na inihalal ng Kamara si Quezon 2nd district Representative David “Jay-Jay” Suarez bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress. Si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang nagmosyon sa pagkakatalaga kay Suarez, kapalit ni dating House Deputy Speaker at Batangas 6th District Representative Ralph Recto na ngayon ay Finance secretary na. Wala naman tumutol… Continue reading Quezon solon, itinalaga bilang bagong Deputy Speaker ng Kamara