3K magsasaka sa Zambales, nakabenepisyo sa FARM program ng administrasyon

Tatlong libong magsasaka sa Zambales ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM) ng administrasyong Marcos. Ito ay isang bagong programa ng pamahalaan na layuning tulungan ang mga magsasaka na maparami ang kanilang aning palay at madagdagan ang buffer stock ng bigas sa bansa. Ang programa ay isa… Continue reading 3K magsasaka sa Zambales, nakabenepisyo sa FARM program ng administrasyon

CARD program, inilunsad din sa Zambales

Kasabay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay lumapag na rin sa Zambales ang Cash and Rice Distribution (CARD) Program, ang pinakabagong programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong maghatid ng tulong pinansyal at abot-kayang bigas sa publiko. Kabuuang 3,000 residente sa congressional district ni Rep. Doris “Nanay Bing” E. Maniquiz ang… Continue reading CARD program, inilunsad din sa Zambales

Kauna-unahang National Textile Convention, isasagawa sa bansa

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippines Tropical Fabrics Month ngayong Enero, pangungunahan ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang kauna-unahang National Textile Convention na isasagawa sa bansa. Sa gaganaping Textile Convention o ‘TELACon,’ inaasahang magtatagpo ang mga expert, researcher, at mga industry professional sa pagtuklas ng textile science at… Continue reading Kauna-unahang National Textile Convention, isasagawa sa bansa

80-K Zambaleños, nakabenepisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Nakarating na rin sa Zambales ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair program ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ngayong araw inilunsad ang serbisyo fair sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Dala ng dalawang araw na BPSF sa Zambales ang Higit P500 milyong halaga ng tulong pinansyal, pangkabuhayan, scholarship at iba pang serbisyo. “Ipapaabot natin ang pagmamahal… Continue reading 80-K Zambaleños, nakabenepisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Higit 2,000 pulis, idedeploy sa Bagong Pilipinas kick off rally bukas ayon sa PNP

Aabot sa 2,093 mga pulis ang idedeploy ng Philippine National Police (PNP) sa Bagong Pilipinas kick off rally sa Maynila, bukas, Enero 28, 2024. Sinabi ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo na bukod pa ito sa force multipliers at standby force. Binanggit din ni Fajardo na wala namang natatanggap na seryosong banta ang PNP… Continue reading Higit 2,000 pulis, idedeploy sa Bagong Pilipinas kick off rally bukas ayon sa PNP

Ugnayan ng Pilipinas at India highlight sa naganap na selebrasyon ng 75th Indian Republic Day sa Makati City

Napuno ng makukulay na kasuotan at tradisyunal na mga pagkain mula sa bansang India ang ginanap na ika-75 taong selebrasyon ng pagkakatatag bilang Republika ng India na ginanap sa isang hotel sa Makati City. Pinangunahan ang naturang selebrasyon ng Indian Embassy in Manila kung saan dumalo si House Speaker Martin Romualdez, mga kinatawan mula sa… Continue reading Ugnayan ng Pilipinas at India highlight sa naganap na selebrasyon ng 75th Indian Republic Day sa Makati City

200k participants, inaasahang dadalo sa Bagong Pilipinas rally bukas

Target na makahikayat ng 200,000 participants ang inaasahang dadalo sa Bagong Pilipinas Kick-Off Rally bukas sa Quirino grandstand sa lungsod ng Maynila. Sa media forum, hinikayat pa ni Presidential Communication Office Director Cris Villonco ang publiko na lumahok sa malaking pagtitipon. Alas-10:00 pa lang ng umaga, may mga kaganapan na sa Quirino grounds at pagsapit… Continue reading 200k participants, inaasahang dadalo sa Bagong Pilipinas rally bukas

PPP Code IRR Committee nagsagawa ng konsultasyon kasama ang publiko

Isinagawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) Committee ng Republic Act No. 11966 o ang Public-Private Partnership Code ang isang session online bilang bahagi ng konsultasyon nito sa publiko. Sa pamamagitan ng Zoom, tampok sa sesyon ang mga talakayan kasama sina Assistant Secretary Jeffrey Manalo at Director Phebean Belle Ramos-Lacuna hinggil sa pangunahing reporma na… Continue reading PPP Code IRR Committee nagsagawa ng konsultasyon kasama ang publiko

Higit P7-milyon halaga ng illegal drugs, nakumpiska ng PDEA sa Caloocan City

Umabot sa P7,140,000 ang halaga ng illegal drugs ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Caloocan Police sa isang buy-bust operation sa Caloocan City kanina. Kasabay nito ang pagkaaresto din sa dalawang drug personality na sina Raquel Macmod Ducan ng Brgy.  175, Camarin, Caloocan City at Ali Abdulbasit Abdullatip ng… Continue reading Higit P7-milyon halaga ng illegal drugs, nakumpiska ng PDEA sa Caloocan City

Paghahanda para sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally puspusan ngayong araw

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng pamahalaan ngayong araw sa Quirino Grandstand para sa isasagawang Bagong Pilipinas Kick-off Rally bukas, January 28, na inaasahang pupuntahan ng libo-libo nating mga kababayan. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakatayo na sa palibot ng Grandstand ang mga tents ng iba’t ibang booth tulad ng medical at food booth, gayundin… Continue reading Paghahanda para sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally puspusan ngayong araw