Lumahok sa isinagawang kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila ang ilang overseas Filipino workers (OFWs).
Kabilang sa mga aktibidad ang pagdaraos ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kung saan naghandog ng iba’t ibang serbisyo para sa ating mga kababayan ang mga ahensya ng pamahalaan.
Nasa 20 OFWs na umuwi ng Pilipinas at dito na magtatrabaho ang nabigyan ng P30,000 tulong pinansyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbiso Fair.
Pinangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal nina DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi at Assistant Secretary Jerome Alcantara.
Layon ng ayuda na makatulong sa mga OFW na mabigyan ng oportunidad na makapagtayo ng maliit na negosyo sa kanilang tahanan at makapagsimula ng hanapbuhay. | ulat ni Diane Lear
Photo: DMW