Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagpapasinaya sa kanilang Disability Resource and Development Center.
Ito ang kauna-unahang pasilidad sa buong bansa na laan para sa mga Persons with Disability o may kapansanan na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.
Isinagawa kahapon, Enero 9 ang pagpapasinaya sa 6 na palapag na pasilidad na matatagpuan sa Brgy. North Signal bilang mahalagang lugar para sa pagpapaunlad ng mga programa, pagpapalakas sa kakayahan at edukasyon sa mga may kapansanan.
Ayon kay Mayor Cayetano, patunay lamang ito na hindi lang sa salita kung hindi ipinararamdam sa gawa ang pagmamahal at pagkalinga ng lokal na pamahalaan para sa mga PWD. | ulat ni Jaymark Dagala