Pormal na iginawad sa Lungsod ng Marikina ang Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito na ang pinakamataas na award na maaaring matanggap ng mga lokal na pamahalaan mula sa ahensya.
Layon nitong kilalanin ang katapatan at kahusayan ng mga lokal sa pamahalaan sa iba’t ibang aspeto gaya ng financial administration, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliance, at iba pa.
Tinanggap ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro mula kay DILG Regional Director Maria Lourdes Augustin ang pagkilala.
Sumisimbolo ito sa katapatan, kahusayan, at pagsisikap ng Marikina LGU na maibigay ang pinakamataas na antas ng pamamahala.
Sa mensahe ni Teodoro, nagpasalamat ito sa DILG sa pagkilala sa mga ginagawa ng lokal na pamahalaan. Aniya, mahalaga na magkaroon ng pamantayan na sinusunod sa pagpapatupad ng mga serbisyo at programa ng pamahalaan.
Binigyan din ng DILG ng cash incentive fund ang Marikina LGU na nagkakahalaga ng ₱2.3-million dahil sa nakuhang pagkilala. | ulat ni Diane Lear
📸: Marikina PIO