Nagbabala ang Philippine National Police na aarestuhin at kakasuhan ang sinumang magba-bomb joke sa Traslasyon 2024.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., hindi nila palalampasin ang mga indibidwal na gagawa ng ganitong mga biro lalo na ngayong araw ng Pista ng Itim na Nazareno.
Giit ni Gen. Acorda, hindi biro ang bagay na ito lalo pa’t seryosong trabaho ang pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.
Kaya pakiusap ng heneral sa mga deboto ng Itim na Nazareno at maging ang mga usisero na mariing iwasan ang mga biro na may kinalaman sa bomba o “bomb joke.” | ulat ni Leo Sarne