Iniulat ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala nang aktibong NPA guerilla front sa bansa.
Ito ang inilahad ng Pangulo sa kanyang Facebook post sa gitna na din ng ulat na umabot sa 1,399 na mga miyembro ng communist and local terrorist groups na na- neyutralisa nuong Isang taon.
Kalakip nito ang pagkakakumpiska ng may 1,751 na mga armas.
Bunga aniya ito ng magandang performance ng AFP at Ng PNP gayundin ng koordinasyon ng Department of National Defense (DND) at lahat ng intelligence agencies.
Lahat aniya ay nagtutulungan kaya matagumpay ang kampanya kontra sa internal terrorism.| ulat ni Alvin Baltazar