Nananatili sa 6.3 percent ang growth forecast ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) sa PIlipinas.
Ito ay dahil, anila, sa muling pagbawi ng exports sa rehiyon, pagtaas ng government spending na siyang nagtutulak pataas ng ekonomiya, at bumababang inflation.
Ayon kay Singapore-based AMRO Chief Economist Hoe Ee Khor, hindi rin nagbago ang kanilang projection sa gross domestic product (GDP) forecast for 2023 na nasa 5.6 percent.
Ang full year GDP report for 2023, ay inaashang iaanunsyo sa katapusan ng January 2024.
Ayon kay Khor, base sa kanilang flagship report, ang growth numbers ng bansa ay napanatili sa gitna ng malakas na domestic demand habang bumababa ang inflation.
Bagaman ibinaba ng AMRO ang kanilang growth projection mula 6.5 to 6.3 percent, ang Pilipinas pa rin ang may highest growth outlook sa rehiyon.
Diin ng AMRO chief, naging matibay ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mataas na inflation at mataas na interest rate kahit na epekto ito ng mahinang export noong 2023.
Sang-ayon din ang AMRO sa naging aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na manatili muna ang monetary policy setting hanggat hindi nakakamit ang target rate na inflation na 3-4 percent o mas mababa pa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes