Humingi ng pang-unawa si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa publiko sa nararanasang signal jamming sa Maynila.
Ayon sa PNP Chief, batid niya kung gaano kahalaga para sa lahat ang cellphone at iba pang network gadget.
Pero kailangan aniyang ipatupad ang signal jamming sa Maynila upang higit na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga namamanata sa Itim na Nazareno.
Partikular na apektado ng signal jamming ang mga nasa bisinidad ng ruta ng traslasyon sa Maynila.
Sinimulang ipatupad ang signal jamming sa Maynila nitong nakalipas na Enero 7 bilang bahagi ng inilatag na seguridad ng PNP para sa pagdaraos ngayon ng Traslacion 2024. | ulat ni Leo Sarne