Sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, pormal nang inilunsad ang “Pande-ahon” project sa Malabon City Jail.
Naniniwala ang LGU na magdadala ng pagasa at oportunidad ang proyekto para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL)
Layon nitong maiahon ang pamilya ng mga PDL sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kabuhayan habang sila ay nasa loob ng selda.
Ang mga produktong tinapay na handog ng Pande-ahon ay hindi lamang simpleng produktong ibinebenta.
Ito ay gawa ng mga PDL na sumailalim sa pagsasanay mula sa Department of Science and Technology.
Ayon sa LGU, ang kikitain sa proyekto ay malaking tulong para sa kanilang mga pamilya.
Magagamit din ng mga PDL ang kanilang natutunan na entrepreneurial skills hindi lamang habang sila ay nasa loob ng kulungan kung hindi pati na rin sa pagdating ng kanilang paglaya.
Present sa inilunsad na proyekto si Malabon City Jail Officer in Charge Jail Chief Inspector Dick Loque kasama ang Welfare and Development personnel ng Malabon City LGU at mga PDL. | ulat ni Rey Ferrer