Mga indibidwal na apektado ng ulang dulot ng trough ng LPA, higit 37,000 na — DSWD

Umakyat na sa higit 9,700 pamilya o 37,684 indibidwal ang naitalang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng trough ng LPA, batay yan sa datos ng DSWD. Mayorya pa rin ng mga apektado ay mula sa Region 11 at CARAGA. Kaugnay nito, nasa 1,133 pamilya pa rin o katumbas ng higit 3,700 na indibidwal… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng ulang dulot ng trough ng LPA, higit 37,000 na — DSWD

Halos 8,000 residente sa QC, nakinabang sa inorganisang medical missions sa lungsod

Aabot sa 7,967 na mga indigent na residente sa Quezon City ang naabutan ng libreng serbisyong pangkalusugan sa simultaneous medical missions na inorganisa ng Philippine Medical Society of Northeast Florida Inc. (PMSNFI) sa pakikipagtulungan sa Quezon City government. Ikinasa ang medical missions sa lahat ng distrito sa lungsod mula January 22-27. Bukod sa check up,… Continue reading Halos 8,000 residente sa QC, nakinabang sa inorganisang medical missions sa lungsod

DOH at World Bank-Philippines, nagsagawa ng inspection sa mga health facility sa Eastern Visayas

Pinangunahan ni DOH Assistant Sec. Leonita Gorgolon at ng World Bank team ang pagsasagawa  ng malawakang inspection sa mga proyekto ng World Bank – Philippines COVID-19 Emergency Response Project at iba pang health faculty Sa Eastern Visayas noong nakaraang linggo. Unang nagpunta ang grupo sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) at tiningnan ang progreso sa… Continue reading DOH at World Bank-Philippines, nagsagawa ng inspection sa mga health facility sa Eastern Visayas

Pagtalakay ng Senado sa economic cha-cha, gagawin na sa Lunes

Sisimulan na ng Senate Sub Committee on Constitutional Amendments ang pagtalakay sa panukalaang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas. Sa sesyon kagabi, pormal nang nabuo ang subcommittee na pamumunuan ni Senador Sonny Angara. Base naman sa advisory mula sa opisina ni Senador Angara, nakatakda ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 6 o… Continue reading Pagtalakay ng Senado sa economic cha-cha, gagawin na sa Lunes

OTC, muling magsasagawa ng orientation sa pagbuo ng transport cooperative ngayong buwan ng Pebrero

Nag-abiso ngayon ang Office of Transportation Cooperatives (OTC) na patuloy itong magsasagawa ng orientation ukol sa pagbubuo ng transport cooperative at PUV Modernization Program sa buong buwan ng Pebrero. Ito ay kasunod na rin ng desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na i-extend ang industry consolidation deadline hanggang sa Abril. Ayon sa OTC, nakahanda… Continue reading OTC, muling magsasagawa ng orientation sa pagbuo ng transport cooperative ngayong buwan ng Pebrero

Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa bahagi ng Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bahagi ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro kaninang alas-4:46 ng madaling araw. Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro hilagang kanluran ng Abra de Ilog. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 11 kilometro… Continue reading Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa bahagi ng Occidental Mindoro

Proteksyon ng mga manggagawa mula sa epekto ng El Niño, panawagan ng House Panel Chair

Umapela si House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles sa pamahalaan na maglatag ng mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa mula sa epekto ng El Niño ngayong taon. Pinakamahalaga aniya dito ay para sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Sinabi ng Rizal solon na ang mga napagtagumpayan na ng Pilipinas sa… Continue reading Proteksyon ng mga manggagawa mula sa epekto ng El Niño, panawagan ng House Panel Chair

PNP Chief, binilinan ang mga pulis na ‘wag makinig sa ingay politika

Binilinan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng pulis na huwag makinig sa ingay politika. Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa pulong-balitaan sa Camp Crame kahapon. Ayon kay Col. Fajardo, inatasan ng PNP Chief ang mga Police Regional… Continue reading PNP Chief, binilinan ang mga pulis na ‘wag makinig sa ingay politika

Sec. Año, nanindigang walang basehan ang pag-aangkin ng China sa Bajo de Masinloc

Nanindigan si National Security Adviser Secretary Eduardo Año na walang basehan sa international law ang paulit-ulit na pag-aangkin ng China sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea. Sa isang kalatas, binigyang-diin ng kalihim na ang Bajo de Masinloc na 124 milya ang layo mula sa Luzon mainland, ay nasa loob ng 200 mile Exclusive… Continue reading Sec. Año, nanindigang walang basehan ang pag-aangkin ng China sa Bajo de Masinloc

Panukalang pagtatatag ng Bulacan Ecozone, makakatulong sa decongestion ng Metro Manila – Sen. JV Ejercito

Naniniwala si Sen. JV Ejercito na makakatulong ang pagtatatag ng Bulacan Airport City Ecozone and Freeport Area para ma-decongest ang Metro Manila at makalikha ng mas maraming oportunidad sa mga rural areas. Sa naging pagdinig ng panukala para sa Bulacan Ecozone, sinabi ni Ejercito na dapat ikalat ang paglago ng ekonomiya sa iba’t ibang bahagi… Continue reading Panukalang pagtatatag ng Bulacan Ecozone, makakatulong sa decongestion ng Metro Manila – Sen. JV Ejercito