Iloilo City, Iloilo Province, magsasampa ng kaso sa ERC laban sa NGCP ngayong Pebrero

Pinaghahandaan na ng Iloilo City Government at Iloilo Provincial Government ang pagsampa ng kaso laban sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng nangyaring malawakang blackout sa isla ng Panay. Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, target nila na maihain ang kaso ngayong Pebrero. Patuloy rin ang pakikipagugnayan ng mga abogado ng… Continue reading Iloilo City, Iloilo Province, magsasampa ng kaso sa ERC laban sa NGCP ngayong Pebrero

DSWD chief at Qatar envoy, magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao

Nagkasundo sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Qatar Ambassador to the Philippines Ahmed Saad Al-Homidi,na magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao. Sa kanilang pulong, ibinahagi ni Secretary Gatchalian ang ilang ‘areas of concern’ na maaaring mag-intervene ang Qatar government. Matutulungan nito ang DSWD sa pag-angat ng buhay ng… Continue reading DSWD chief at Qatar envoy, magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao

Aksidenteng idinudulot ng mga nakalaylay na kable ng kuryente, pinapaimbestigahan sa Senado 

Naghain na si Senador Raffy Tulfo ng isang resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang mga aksidente na idinudulot ng mga nakalaylay na mga kable sa mga kalsada. Sa Senate Resolution 992 ni Tulfo, giniit nitong nakakabahala na ang pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada dulot ng hindi tamang pagme-maintain ng mga cable wires. … Continue reading Aksidenteng idinudulot ng mga nakalaylay na kable ng kuryente, pinapaimbestigahan sa Senado 

Hiwalay na pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng Saligang Batas, pinunto ng mga legal expert 

Giniit nina dating Associate Justices Adolfo Azcuna at Vicente Mendoza na dapat magkahiwalay ang pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng Saligang Batas.  Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Ammendments, sinabi ni Azcuna na oras na magkaroon ng sariling bersyon ng amyenda ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay pagbobotohan nila ito ng… Continue reading Hiwalay na pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng Saligang Batas, pinunto ng mga legal expert 

Economic charter change, maaaring mapolitika na kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay

Nangangamba ang ilang kongresista na mapupulitika lang ang panukalang amyenda sa economic provision ng Konstitusyon kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay dito. Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, batid naman ng lahat na pagsapit ng Oktubre ay magiging abala na ang lahat para sa 2025 mid-term elections. Kaya kung pahahabain pa… Continue reading Economic charter change, maaaring mapolitika na kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay

Pagpapalakas sa cyber security capability ng PNP, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalakas ng hanay ng Philippine National Police (PNP) partikular sa linya ng cyber security.  Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kahit nakakita ng improvement sa crime statistics ng bansa, mayroon aniyang pangangailangan na mag-focus sa cyber security, lalo’t nakakita… Continue reading Pagpapalakas sa cyber security capability ng PNP, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Davao del Norte Solon, umaapela ng karagdagang tulong para sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region

Umaapela si Davao del Norte Rep. Alan Dujali (2nd District) para sa agarang relief at humanitarian assistance sa Davao Region na nananatiling lubog sa baha at pagguho ng lupa. Ayon kay Dujali, bagamat noong nakaraang buwan pa nagsimula ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng tulong at food packs ay kailangan… Continue reading Davao del Norte Solon, umaapela ng karagdagang tulong para sa mga biktima ng pagbaha sa Davao region

PNP Chief, tutol sa rekomendasyon ng UN Rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC

Nagpahayag ng pagtutol si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Irene Khan na buwagin ang National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Gen. Acorda na marami nang nagawa at marami pang magagawa ang Task Force… Continue reading PNP Chief, tutol sa rekomendasyon ng UN Rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC

Pagbabawal ng mga trike, pedicabs sa highway, muling ipinaalala ng DILG sa mga LGU

BORACAY, PHILIPPINES - MARCH 04: Tricycle on the street, March 04, 2013, Boracay, Philippines. Motorized tricycles are a common means of passenger transport everywhere in the Philippines.

Muling nanawagan si DILG Secretary Benhur Abalos sa local government units na mahigpit na ipatupad ang ban sa mga tricycle at pedicab sa national highways. Ginawa ni Abalos ang apela kasunod ng nangyaring banggaan ng isang pampasaherong bus at tricycle sa national highway sa Labo, Camarines Norte noong Pebrero 4. Nagpaalala si Abalos na may… Continue reading Pagbabawal ng mga trike, pedicabs sa highway, muling ipinaalala ng DILG sa mga LGU

Electronic database ng mga magsasaka at mangingisda, ina-update na ng DA

Isinasagawa  na ng Department of Agriculture (DA) ang updating sa electronic database ng mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa. Mahalaga umano ito para sa tamang pagpaplano, pagpapatupad at pagmomonitor sa bilyon- bilyong pisong halaga ng  agricultural projects at mga target intervention. Ayon kay Agriculture Undersecretary for Operations Roger Navarro, magpapakilos ang DA ng may… Continue reading Electronic database ng mga magsasaka at mangingisda, ina-update na ng DA