‘Land dispute’ sa Nasugbu, Batangas, nalutas na ng DAR; higit 1K magsasaka, makikinabang

Naresolba na ang dekadang away sa lupa ng Roxas and Co. Incorporated at mga magsasaka sa Batangas. Ayon sa Department of Agrarian Reform, maipapamahagi na sa mga magsasaka ang nasa 1,322.23 na ektarya ng lupain sa Hacienda Palico, Banilad at Caylaway sa Nasugbu, Batangas. Resulta ito ng consolidatedoOrder ng Department of Agrarian Reform noong Disyembre… Continue reading ‘Land dispute’ sa Nasugbu, Batangas, nalutas na ng DAR; higit 1K magsasaka, makikinabang

Kamara, isusulong ang isang moderno, handa at pinahahalagahang militar

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa mga militar na seryoso ang Kamara na tiyaking matatag, moderno, handa at naaalagaan ang kasundaluhan na siyang depensa ng bansa sa internal at external threats. Ginawa ng lider ng Kamara ang pahayag sa Mindanao leg ng Armed Forces of the Philippines-House of Representatives fellowship. Kabilang sa mga dumalo… Continue reading Kamara, isusulong ang isang moderno, handa at pinahahalagahang militar

Employment rate noong Disyembre ng 2023, pumalo sa 96.9%

Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Disyembre ng 2023. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, sumampa pa sa 96.9% ang employment rate nitong disyembre o katumbas ng milyong pilipinong may trabaho. Pinakamataas na employment rate ito na naitala sa bansa mula noong 2005. Mas mataas rin ito sa… Continue reading Employment rate noong Disyembre ng 2023, pumalo sa 96.9%

Pagbagal ng inflation, ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City

Ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City ang pagbagal ng inflation rate o ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ng serbisyo. Ito, ayon sa ilang nakausap ng Radyo Pilipinas, ay dahil sa malaki ang ibinaba sa presyo ng mga gulay partikular na ang sibuyas at iba pa gayundin ng itlog.… Continue reading Pagbagal ng inflation, ramdam ng ilang mamimili sa Pasig City

Seguridad para sa tatlong araw na Chinese New Year celebration sa QC, plantsado na ng QCPD

Nakalatag na ang security measures ng Quezon City Police District para sa tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod. Ayon kay QCPD Chief PBGen. Red Maranan, nasa 200 pulis-QC ang itatalaga nito para magbantay sa seguridad sa iba’t ibang aktibidad na gagawin sa lungsod. Paliwanag nito, ‘extensive’ ang naging security preparation para… Continue reading Seguridad para sa tatlong araw na Chinese New Year celebration sa QC, plantsado na ng QCPD

AFP Chief, nagpasalamat sa mga tropa sa Mavulis Island

Pinasalamatan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropa na nagbabantay sa Mavulis island sa Batanes, ang pinaka-hilagang isla ng bansa. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tropa sa Mavulis island detachment kahapon, sinabi ni Gen. Brawner na hinahangaan niya ang sakripisyo at dedikasyon sa tungkulin ng… Continue reading AFP Chief, nagpasalamat sa mga tropa sa Mavulis Island

Philippine Red Cross, rumesponde sa mga apektado ng pagguho ng lupa sa Davao de Oro

Nagpadala ng mga volunteer ang Philippine Red Cross (PRC) sa Barangay Masara, Maco, Davao De Oro upang rumesponde sa tatlong bus na natabunan ng gumuhong lupa kagabi. Sakay ng bus ang mga trabahador ng isang mining company na pauwi na sana. Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, nasa dalawang tauhan ang nakaligtas sa… Continue reading Philippine Red Cross, rumesponde sa mga apektado ng pagguho ng lupa sa Davao de Oro

Higit 100 pamilya, naapektuhan ng landslide kagabi sa Davao de Oro

Abot sa kabuuang 111 pamilya o 356 indibidwal ang inilikas kagabi, Pebrero 6, 2024 dahil sa naganap na landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro. Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, nasa evacuation centers na ang mga evacuee. Nasa walong pamilya o katumbas ng 33 indibidwal ang dinala sa Nuevo Iloco… Continue reading Higit 100 pamilya, naapektuhan ng landslide kagabi sa Davao de Oro

PBBM, DMW, pinasalamatan ng party-list solon sa pasasakatuparan ng pagbabayad ng Saudi sa mga OFW na na-retrench noong 2015

Kaisa si KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo sa pagpapaabot ng pasasalamat ng mga OFW sa pamahalaan. Ayon kay Salo, kapuri-puri ang ginawang hakbang ng Department of Migrant Workers (DMW), sa ilalim ng pamumuno ni officer-in-charge USec. Hans Cacdac at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa matagumpay na paglalabas ng hindi nabayarang sweldo at benepisyo ng… Continue reading PBBM, DMW, pinasalamatan ng party-list solon sa pasasakatuparan ng pagbabayad ng Saudi sa mga OFW na na-retrench noong 2015

Umano’y ilaabas na warrant of arrest ng ICC sa dating Pangulong Duterte, hindi ipatutupad ng PNP

Hindi aarestuhin ng Philippine National Police ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling ito ang ipagutos ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kinakatigan ng PNP ang naunang pahayag ng Malacañang na walang hurisdiksyon sa bansa ang ICC. Giit ni Fajardo, hindi ipatutupad ng… Continue reading Umano’y ilaabas na warrant of arrest ng ICC sa dating Pangulong Duterte, hindi ipatutupad ng PNP