Ilang kalsada sa Caloocan, isasara sa Chinese New Year celebration sa lungsod

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod. Batay sa traffic advisory nito, simula bukas, Feb. 9, dakong 5:00 p.m. ay isasara ang mga sumusunod na kalsada: Pinapayuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan muna sa mga… Continue reading Ilang kalsada sa Caloocan, isasara sa Chinese New Year celebration sa lungsod

Philippine Red Cross, namahagi ng malinis na tubig sa mga apektado ng matinding pagbaha sa Mindanao

Sumaklolo na rin ang Philippine Red Cross sa mga indibidwal na apektado ng matinding pagbaha sa Mindanao dulot ng masamang panahon. Ayon sa PRC, nagpadala sila ng dalawang ‘water tankers’ para tumulong sa paghahatid ng malinis at ligtas na tubig. Aabot sa 8,327 indibidwal ang nakinabang sa 44, 200 litro ng tubig na ipinamahagi ng… Continue reading Philippine Red Cross, namahagi ng malinis na tubig sa mga apektado ng matinding pagbaha sa Mindanao

Mga lugar na tatamaan ng tagtuyot dahil sa El Niño, madaragdagan pa ngayong Pebrero — PAGASA

Inaasahang madaragdagan pa ang mga lugar na makararanas ng tagtuyot ngayong tumitindi na ang epekto ng El Niño sa bansa. Sa inilabas na abiso ng PAGASA, magpapatuloy pa rin ang pag-iral ng “strong” El Niño hanggang ngayong buwan at posibleng pumalo sa 24 na lalawigan sa bansa ang labis na maapektuhan nito. Kung pagbabatayan ang… Continue reading Mga lugar na tatamaan ng tagtuyot dahil sa El Niño, madaragdagan pa ngayong Pebrero — PAGASA

Panukalang dagdag ₱100 sa sweldo ng private sector workers, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na ₱100 na daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong Pilipinas. Ito ay matapos ipresenta ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada ang Senate Bill 2534. Pinaliwanag ni Estrada na mula sa orihinal na panukalang dagdag ₱150 sa arawang-sahod… Continue reading Panukalang dagdag ₱100 sa sweldo ng private sector workers, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Maritime agencies, stakeholders, hinimok na makiisa sa mga hakbangin sa ilalim ng Maritime Roadmap 2028

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa maritime agencies at stakeholders na makilahok sa mga hakbangin ng pamahalaan sa ilalim ng Maritime Roadmap 2028 na bahagi ng Bagong Pilipinas campaign ng administrasyon. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kailangang naka-ayon sa roadmap ang mga proyekto at programa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gayundin ng… Continue reading Maritime agencies, stakeholders, hinimok na makiisa sa mga hakbangin sa ilalim ng Maritime Roadmap 2028

PNP, nagpasalamat sa Senado sa pag-apruba ng PNP Reform Bill

Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang pasasalamat ng Pambansang Pulisya sa Senado sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng PNP Reform Bill. Sinabi ni Fajardo na inaasahan ng PNP na hindi magtatagal at malalagdaan na ng Pangulo ang naturang panukala upang maging ganap na batas.… Continue reading PNP, nagpasalamat sa Senado sa pag-apruba ng PNP Reform Bill

MMDA, naghatid ng tulong sa mga apektado ng pagbaha sa Davao Region

Tumulak na patungong Davao Region ang 30-man contingent mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. Ito’y para tumulong sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa nabanggit na lugar kasunod ng walang patid na pag-ulan na sinamahan pa ng mga pagguho ng lupa. Ayon kay MMDA Acting Chair, Atty. Don Artes, tugon ito ng kanilang… Continue reading MMDA, naghatid ng tulong sa mga apektado ng pagbaha sa Davao Region

Pagsasanay ng mga pulis sa cybercrime, sinimulan na ng PNP

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasanay ng kanilang mga tauhan sa mga himpilan ng pulisya sa pag-iimbestiga ng mga cyber crimes. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ito ay para makapagtatag ng mga cyber security desks sa bawat istasyon, alinsunod sa kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Pagsasanay ng mga pulis sa cybercrime, sinimulan na ng PNP