Pangingibang bansa, pagpasok ng telco at pagsasaayos ng basic education ng Pilipinas, kabilang sa mga tutugunan ng Economic Cha-cha

Kasama ang pagsasaaayos sa serbisyo ng telecommunications at basic education pati ang pangingibang bansa ng mga OFW sa mga matutugunan ng planong economic charter change. Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo batid naman ng lahat na maraming mga Pilipino ang nagtratrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas. Ang dahilan, kakulangan… Continue reading Pangingibang bansa, pagpasok ng telco at pagsasaayos ng basic education ng Pilipinas, kabilang sa mga tutugunan ng Economic Cha-cha

Lider ng Dawlah Islamiyah, isa sa mga napatay sa operasyon ng militar sa Lanao del Sur noong Enero

Kinumpirma ng 1st Infantry “Tabak” Division ng Philippine Army na napatay ng mga tropa ng 103rd Infantry Brigade ang Amir o lider ng Dawlah Islamiyah (DI) sa dalawang araw na operasyon ng militar sa Lanao del Sur noong buwan ng Enero. Ayon kay Major Jairus Mark Mira, hepe ng Division Public Affairs Office ng Tabak… Continue reading Lider ng Dawlah Islamiyah, isa sa mga napatay sa operasyon ng militar sa Lanao del Sur noong Enero

Mga establisyimento sa Pasig City na may POGO, e-games, at e-bingo, tuluyang ipinasara ng lokal na pamahalaan

Binigyan ng closure order ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga establisyimento na mayroong POGO, e-games, at e-bingo. Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, isang taong palugit ang ibinigay nila sa mga negosyong ito bago tuluyang ipasara. Nasa 18 na mga estabilisyimento na nag-o-operate ng e-games at e-bingo na napaso ang permit noong December… Continue reading Mga establisyimento sa Pasig City na may POGO, e-games, at e-bingo, tuluyang ipinasara ng lokal na pamahalaan

Bilang ng mga namatay sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro, pumalo na sa 68

Sa pinakahuling report ng Masara Landslide Incident Command Post, nasa 68 na ang bilang ng mga namatay sa landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro Sa isinagawang media briefing ngayong hapon sa Incident Command Post, sinabi ni Leah Añora ng Davao de Oro DILG at Head ng Management of the Dead and Missing o… Continue reading Bilang ng mga namatay sa Masara landslide sa Maco, Davao de Oro, pumalo na sa 68

NEDA, patuloy na binabantayan ang presyo ng bigas matapos na maitala ang mataas na rice inflation noong Enero

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy nitong binabantayan ang mga presyo ng bigas at iba pang bilihin. Ito ay matapos na maitala ang mataas na rice inflation na 22.6% noong January 2024 mula sa 19.6% noong December 2023. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, tinututukan ngayon ng Inter-Agency Committee on Inflation… Continue reading NEDA, patuloy na binabantayan ang presyo ng bigas matapos na maitala ang mataas na rice inflation noong Enero

DSWD, nag-alok ng grief counselling sa mga naulilang pamilya sa Maco, Davao de Oro

Photo courtesy of DSWD FB page

Magpapakalat ng mga social worker ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa landslide area sa Maco, Davao de Oro. Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa “angels in red vests” na magbigay ng grief counseling sa mga kaanak ng mga nasawi at nawawala sa landslide. Sa pinakahuling tala ng Davao de Oro Provincial… Continue reading DSWD, nag-alok ng grief counselling sa mga naulilang pamilya sa Maco, Davao de Oro

Ilang Philippine Eagle, nakatakda nang ilipat sa bago nitong tahanan bukas

Nakatakda na ang paglipat ng ilang Philippine Eagles sa bago nitong tahanan, bukas Pebrero 13, 2024. Ito ang inihayag ni Philippine Eagle Foundation Research and Conservation Program Director Dr. Jayson Ibañez sa isang panayam. Ayon kay Ibañez na ililipat na ang walong Agila mula sa Philippine Eagle Center sa Barangay Malagos, Baguio District, Davao City… Continue reading Ilang Philippine Eagle, nakatakda nang ilipat sa bago nitong tahanan bukas

Pagsunog ng mga palaspas, sinimulan na sa ilang simbahan sa Metro Manila bilang paghahanda sa Ash Wednesday 

Naghahanda na ang ilang simbahan sa National Capital Region (NCR) para sa pagsisimula ng kwaresma.  Batay sa nakarating na impormasyon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Maynila, ang Our Lady of Unity Parish Church ay sinimulan na ang pagsusunog ng palaspas para sa Ash Wednesday sa Pebrero 14. Ang pagpapahid ng abo… Continue reading Pagsunog ng mga palaspas, sinimulan na sa ilang simbahan sa Metro Manila bilang paghahanda sa Ash Wednesday 

Finance chief, inirekomendang i-adjust ang growth target ng bansa

Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kailangan i-adjust ang growth target ng bansa upang mas maging makatotohanan ito. Sa isang panayam, sinabi ni Recto na kailangan gawin ang adjustment dahil sa mga global development bagaman walang adjustment na ginawa ang economic team sa growth target noong pinakahuling pulong ng Inter-agency Development Budget Coordination Committee… Continue reading Finance chief, inirekomendang i-adjust ang growth target ng bansa

DILG at isang civic organization, nagkasundo na magtutulungan para sa mga batang may kapansanan

Photo courtesy of DILG FB page

Lumagda sa isang kasunduan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang isang civic organization upang matulungan ang mga batang may kapansanan o Children with Disabilities (CWDs). Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos at Professor Abelardo Apollo David Jr., Pangulo ng Rehabilitation and Empowerment of Adult and Children with Handicap (REACH) Foundation… Continue reading DILG at isang civic organization, nagkasundo na magtutulungan para sa mga batang may kapansanan