Epekto ng economic chacha, agad mararamdaman sa stock market oras na mapagtibay

Kapwa kinumpirma ng dalawang mambabatas na ekonomista ng Kamara na immediate o agad na mararamdaman ang positibong epekto ng economic charter change sakaling maaprubahan. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, agad bubuhos ang mga foreign investor na bibili ng shares. Isa kasi aniya itong signalling sa foreign investors… Continue reading Epekto ng economic chacha, agad mararamdaman sa stock market oras na mapagtibay

Dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson, may alok na ‘no down-payment at zero interest’ na modern jeep

Simula sa buwan ng Marso 2024, may iaalok si dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson na electric jeepney para sa mga Pinoy Driver.  Ang naturang jeepney ay pasok sa standard ng pamahalaan sa ilalim ng PUV Modernization Program.  Ayon kay Singson, ginaya ang proto type jeep sa lumang pampasaherong jeep sa Pilipinas kung kayat… Continue reading Dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson, may alok na ‘no down-payment at zero interest’ na modern jeep

Economic Cha-cha, hindi ‘magic solution’ sa economic issues ng bansa — Sen. Nancy Binay

Pinaalalahanan ni Senadora Nancy Binay ang publiko na hindi ‘magic solution’ ang panukalang economic cha-cha sa mga problemang kinakaharap ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Binay, mahalagang maintindihan ng publiko na ang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas ay hindi lang ang natatanging solusyon sa problema ng ating ekonomiya. Ginawa ng senadora ang pahayag… Continue reading Economic Cha-cha, hindi ‘magic solution’ sa economic issues ng bansa — Sen. Nancy Binay

PBBM, binigyang parangal ang mga sundalong nasugatan sa operasyon laban sa Dawlah Islamiya- Maute Group

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkilala sa kabayanihan ng apat na sundalong gumanap ng malaking papel sa katatapos lamang na operasyon ng Philippine Army laban sa hanay ng Dawlah Islamiya- Maute Group (DI-MG). Kung matatandaan, apat na operating troops mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ang nagtamo ng pinsala mula sa operasyon,… Continue reading PBBM, binigyang parangal ang mga sundalong nasugatan sa operasyon laban sa Dawlah Islamiya- Maute Group

5 kumpanyang illegal na nag-ooperate sa Pampanga, isinara ng DENR

Limang kumpanya na iligal na nag-ooperate sa San Simon Pampanga ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Inisyuhan ng Cease and Desist Order ang mga kumpanya dahil sa kawalan ng permit para makapag-operate bilang lead smelters at recyclers ng used lead acid batteries (ULAB). Nilabag din ng mga ito ang Republic Act… Continue reading 5 kumpanyang illegal na nag-ooperate sa Pampanga, isinara ng DENR

DOTr, pinatututukan ang mga proyekto para sa mga pagbabago sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kawani nito na tutukan at pagbutihin ang pagpapatupad sa mga transport project ng ahensya sa aviation, railway, road, at maritime sector. Ito ay upang makamit ang mga hangarin sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ang mission ng… Continue reading DOTr, pinatututukan ang mga proyekto para sa mga pagbabago sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas

Pag amyenda sa Saligang Batas, “hinog” na ayon sa isang economist-solon

Hinog na ang oras para amyendahan ang 1987 Constitution ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo. Sa isang pulong balitaan, sinabi nito na malinaw na ang ating kasalukuyang economic charter ay hindi na sasapat para tugunan ang demand ng 21st century. Punto pa ng mambabatas, na tatlong dekada nang pinagdedebatihan at itinutulak ng Kongreso ang charter… Continue reading Pag amyenda sa Saligang Batas, “hinog” na ayon sa isang economist-solon

370 PWDs at garbage collectors, pinagkalooban ng cash assistance ng DSWD

Aabot sa 370 indibidwal ang binigyan ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang payout ay bahagi ng commitment ng ahensya na mabigyan ng serbisyo ang mga nangangailangan ng tulong. Bawat isa ay… Continue reading 370 PWDs at garbage collectors, pinagkalooban ng cash assistance ng DSWD

UN Peacekeeping Force mula sa Pilipinas, maipagmamalaki ayon sa DFA

Hindi matatawaran ang galing ng mga Pilipino na magiging bahagi ng United Nations Peacekeeping Force na tiyak na maipagmamalaki sa buong mundo. Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs o DFA Sec. Enrique Manalo makaraang parangalan nito ngayong araw ang 20 miyembro ng PNP UN Peacekeeping Force na ipinadala sa South Sudan. Sa kaniyang… Continue reading UN Peacekeeping Force mula sa Pilipinas, maipagmamalaki ayon sa DFA

Bomb threat sa DENR, negatibo ayon sa QCPD

Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na negatibo ang mga banta ng pagpapasabog sa tanggapan ng DENR Central Office sa QC. Ito ay matapos na bulabugin ng bomb threat ang tanggapan kaninang umaga na nagdulot ng maagang pagpapauwi sa mga kawani nito. Ayon sa QCPD, matapos ang isinagawang inspeksyon at paneling operations sa buong… Continue reading Bomb threat sa DENR, negatibo ayon sa QCPD