Security exercise sa Malampaya, isasagawa sa ikalawang quarter ng taon

Mas pinaigting ng AFP Western Command (Wescom) ang seguridad sa Malampaya natural gas platform na matatagpuan sa baybayin ng lalawigan ng Palawan. Ayon kay AFP Wescom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, nais ng AFP na Philippines na matiyak ang walang-patid na operasyon ng gas platform kung sakaling may mga hindi inaasahang pagbabanta. Kaugnay nito, magsasagawa… Continue reading Security exercise sa Malampaya, isasagawa sa ikalawang quarter ng taon

₱70-M halaga ng tulong para sa mga apektado ng pagbaha sa Mindanao, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Ipinagkaloob ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ang 70 milyong pisong halaga ng humanitarian aid para sa mga biktima ng pagbaha at landslide sa Mindanao. Ang pondo ay para sa emergency food, shelter, water, sanitation, at essential hygiene items, na pang-suporta sa mga apektadong komunidad sa… Continue reading ₱70-M halaga ng tulong para sa mga apektado ng pagbaha sa Mindanao, ipinagkaloob ng Estados Unidos

Loyalty check sa unipormadong hanay sa kabila ng isyu ng ‘secession’, hindi na kailangan — Mindanao solon

Hindi na kailangan pa ng loyalty check sa hanay ng uniformed personnel. Ito ang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa gitna na rin ng isyu ng panawagang ihiwalay ang Mindanao sa kabuuan ng Pilipinas. Ayon kay Pimentel, mismong ang mga pinuno na ng unipormadang hanay ang nagsalita na po-protektahan nila ang soberanya… Continue reading Loyalty check sa unipormadong hanay sa kabila ng isyu ng ‘secession’, hindi na kailangan — Mindanao solon

Nutralisasyon ng Amir ng Dawlah-Islamiyah-Maute group na utak sa MSU bombing, kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang nutralisasyon ng Amir ng Dawlah Islamiyah – Maute Group na si Khadafi Mimbesa, alyas “Engineer,” ang utak sa pambobomba noong December 3, 2023 sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, base ito sa testimonya ng isang isang… Continue reading Nutralisasyon ng Amir ng Dawlah-Islamiyah-Maute group na utak sa MSU bombing, kinumpirma ng AFP

Admission at retention policies sa mga SUC, rerebyuhin ng CHED

Pormal na inilunsad ngayon ng Commission on Higher Education ang inisyatibo nitong ‘Paglaum kag Pagdaug: Access and Success for Quality and Inclusive Higher Education’. Ito ay tugon ng CHED sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos na gawing accessible ang tertiary education sa lahat ng pilipino. Nakatutok ito sa pagrerebyu ng admission policies sa higher… Continue reading Admission at retention policies sa mga SUC, rerebyuhin ng CHED

Chinese Navy, sumabay sa Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at U.S.

Sumabay ang isang Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy vessel sa huling Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea. Ang ikatlong Maritime activity ng AFP at USINDOPACOM ay isinagawa noong nakaraang Huwebes at Biyernes sa pagitan ng BRP Gregorio Del… Continue reading Chinese Navy, sumabay sa Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at U.S.

Produksyon ng fishery sector, bahagyang bumaba nitong 2023 — PSA

Bumaba ang kabuuang produksyon sa sektor ng pangisdaan sa bansa sa taong 2023, ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA). Batay sa tala ng PSA, umabot sa 4.26 milyong metriko tonelada ang produksyon ng pangisdaan mula Enero hanggang Disyembre ng 2023. Mas mababa ito ng 1.8% kung ikukumpara sa naitalang 4.34 milyong metriko toneladang produksyon noong… Continue reading Produksyon ng fishery sector, bahagyang bumaba nitong 2023 — PSA

Sagot na bayarin ng PhilHealth, pinatataasan; bayad sa mga doktor sa pribadong ospital, dapat isama

Pinatataasan ni House Speaker Martin Romualdez ang sinasagot na bayarin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Aniya, marami ang lumalapit at nagtatanong sa kaniya kung maaaring bang madagdagan ang sasagutin ng PhilHealth sa billing at Doctors’ fees lalo na kung ang kinuhang kwarto ay private o nasa payward. Hinaing kasi aniya ng mga pasyente lalo… Continue reading Sagot na bayarin ng PhilHealth, pinatataasan; bayad sa mga doktor sa pribadong ospital, dapat isama

Gun amnesty program sa buong bansa, target ipatupad ngayong taon

Inaasahan ang pagkakaroon ng gun amnesty program sa buong bansa kung target itong ipatupad ngayong taon. Ito ang inihayag ni PNP – Civil Security Group Director Maj. Gen. Benjamin Silo Jr. sa isang panayam sa Davao City. Ayon kay Silo na naglabas na ng resolusyon ang Department of Justice kung saan pabor ito sa proposal… Continue reading Gun amnesty program sa buong bansa, target ipatupad ngayong taon

DENR Central Office, binulabog ng bomb threat

Biglaang pinauwi ang mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Office sa Visayas Ave., QC ngayong umaga. Ito ay dahil sa natanggap na bomb threat sa naturang tanggapan. Ayon sa ilang empleyado, kumalat via email ang banta. Agad namang nagtungo ang mga awtoridad sa naturang tanggapan kabilang ang BFP at QCPD… Continue reading DENR Central Office, binulabog ng bomb threat