Babaeng nag-iwan ng sanggol sa isang gasoline station sa QC, nahuli na ng pulisya

Naaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babaeng nag-iwan ng sanggol sa restrooms ng isang gasoline station sa Kalayaan Avenue sa Quezon City nitong Pebrero 8 ng umaga. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen Redrico Maranan, ang suspek na si Angeleen Quilang, 20, second-year student at ina ng sanggol. Kasama ding inaresto ang… Continue reading Babaeng nag-iwan ng sanggol sa isang gasoline station sa QC, nahuli na ng pulisya

Senado, sisilipin ang sinasabing smuggling ng dalawang Bugatti sports car

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na maimbestigahan ang isyu tungkol sa pinaghihinalaang pag-smuggle sa bansa ng dalawang Bugatti Chiron sports car. Ang Bugatti Chiron ang isa sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo na tinatayang nagkakahalaga ng $3-million. Sa privilege speech ni Tulfo, tinukoy nito ang may-ari ng mga Bugatti na sina Thu Trang Nguyen… Continue reading Senado, sisilipin ang sinasabing smuggling ng dalawang Bugatti sports car

Pag-convert sa bigas ng perang ipinagkakaloob sa 4Ps beneficiaries, inirekomenda kay Pangulong Marcos

Iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin na lamang bigas ang financial assistance na ipinamamahagi ng goberno sa ilalim ng 4Ps. “It was suggested in the meeting that we have the 4Ps, for example, for DSWD. We told the President… Continue reading Pag-convert sa bigas ng perang ipinagkakaloob sa 4Ps beneficiaries, inirekomenda kay Pangulong Marcos

Kamara, tinalakay ang evidence-based research ng rightsizing sa gobiyerno

Ipinagpatuloy sa isang roundtable discussion (RTD) ng evidence-based research sa rightsizing sa gobiyerno. Kabilang sa mga participants ang mga miyembro ng Kapulungan at Congressional Research Fellows. Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na namuno sa talakayan, para sa komprehensibong pag-uuri sa rightsizing kelangan patunayan kung meron bang “overlapping” na trabaho sa gobiyerno. Aniya,… Continue reading Kamara, tinalakay ang evidence-based research ng rightsizing sa gobiyerno

3 Chinese nationals, sinampahan ng patong-patong na kaso dahil sa paggamit ng fireworks sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Davao City

Sinampahan nang patong-patong na kaso ang tatlong Chinese Nationals na gumamit ng fireworks sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Davao City nitong nakaraang weekend. Sa mensahe ni Davao City Police Office Spokesperson Capt. Hazel Tuazon, sinabi nito na isinampa na ngayong araw ng Talomo Police Station sa piskalya ang mga kasong paglabag sa Total… Continue reading 3 Chinese nationals, sinampahan ng patong-patong na kaso dahil sa paggamit ng fireworks sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Davao City

18 pasahero ng ML/Shara-J, nailigtas ng mga awtoridad sa karagatan ng Sulu

Tagumpay na naisagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga ahensya ng pamahalaan ang rescue operation sa mga pasahero na lulan ng isang lantsa na ML/Shara-J mula Taganak Island patungo sanang Zamboanga City nitong Biyernes, ikasiyam ng Pebrero, nang masiraan ng makina habang naglalayag dahil sa malakas na alon. Kabilang sa mga rumesponde ang Coast Guard… Continue reading 18 pasahero ng ML/Shara-J, nailigtas ng mga awtoridad sa karagatan ng Sulu

Search and Rescue operation sa Masara landslide site sa Davao de Oro, pansamantalang itinigil dahil sa paggalaw ng lupa

Panasamantalang itinigil ngayong hapon ang Search, Rescue, and Retrieval operation sa ground zero o landslide site sa Masara, Maco, Davao de Oro matapos muling nagkaroon ng movements o paggalaw ng lupa sa lugar. Sa isinagawang media briefing ngayong hapon, sinabi ni Incident Command Post Commander Engr. Ferdinand Dobli, alas 2:00 ngayong hapon, nag-abiso sa kanila… Continue reading Search and Rescue operation sa Masara landslide site sa Davao de Oro, pansamantalang itinigil dahil sa paggalaw ng lupa

Vice President at Education Sec. Sara Duterte, makikipagtulungan sa gobyerno ng Malaysia para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa bansa

Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na makikipagtulungan ito sa gobyerno ng Malaysia para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa bansa. Ito ang bahagi ng sinabi ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Malaysia para sa isinasagawang Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Summit. Ayon kay VP Sara, nais niyang… Continue reading Vice President at Education Sec. Sara Duterte, makikipagtulungan sa gobyerno ng Malaysia para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa bansa

Publiko pinag-iingat sa paggamit ng sexual enhancement products na di aprubado ng FDA

Photo courtesy of Ecowaste Coalition

Pinaiiwas ng environmental group na Ecowaste Coalition ang publiko sa paggamit ng mga sexual enhancement product na di aprubado ng Food and Drug Administration (FDA), lalo na ngayong Valentines Day. Tinukoy ng EcoWaste Coalition ang mga kapsula, pildoras, cream, gel at oil na sinasabing magpapalakas ng sexual performance gayundin ang food supplements na magpapasigla umano… Continue reading Publiko pinag-iingat sa paggamit ng sexual enhancement products na di aprubado ng FDA

Nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro, pinaiimbestigahan sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang ilang mambabatas sa Kamara sa pangunguna nina Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at Davao de Oro 2nd District Rep. Ruwel Peter Gonzaga, upang paimbestigahan ang nangyaring landslide sa Maco Davao de Oro kung saan hindi bababa sa 50 ang nasawi. Salig sa House Resolution 1586, pinagkakasa ang angkop na komite ng… Continue reading Nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro, pinaiimbestigahan sa Kamara