Mga senador, sinagot ang pangamba ukol sa posibleng inflationary impact sa panukalang P100 legislated wage hike

Pinawi ng mga senador ang pangamba tungkol sa sinasabing posibleng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ng panukalang P100 dagdag sahod sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor. Sa interpellation para sa Senate Bill 2534 o ang panukalang P100 legislated wage hike, natanong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pahayag ng ilang business group na baka… Continue reading Mga senador, sinagot ang pangamba ukol sa posibleng inflationary impact sa panukalang P100 legislated wage hike

Vice Pres. Sara Duterte, kinondena ang nangyaring pananambang sa isang doktor sa Maguindanao

Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang nangyaring pananambang sa isang doktor na si Sharmaine Ceballos Barroquillo sa Buluan, Maguindanao. Si Dr. Barroquillo ay isang doktor sa Sultan Kudarat Provincial Hospital. Sa isang pahayag, sinabi ng Pangalawang Pangulo na walang sinuman lalo na ang mga responsableng mamamayan at kawani ng pamahalaan katulad ni Dr.… Continue reading Vice Pres. Sara Duterte, kinondena ang nangyaring pananambang sa isang doktor sa Maguindanao

Online seller ng pekeng Philhealth card, arestado

Naaresto ngayong umaga ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang online seller na nagbebenta umano ng pekeng Philhealth card sa entrapment operation sa 21st Ave., Brgy. Tagumpay P. Tuazon Blvd. Quezon City, Metro Manila. Sa ulat ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo kay ACG Director Police Major General Sydney Sultan Hernia, kinilala ang… Continue reading Online seller ng pekeng Philhealth card, arestado

VP Sara Duterte, binisita ang mga pamilyang biktima ng landslide sa Maco, Davao De Oro

Dumalaw si Vice President Sara Duterte sa mga pamilyang biktima ng pagguho ng lupa na kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center sa Nuevo Iloco Elementary School sa bayan ng Maco, Davao De Oro. Kabilang sa binisita ng Pangalawang Pangulo ang mag-asawang senior citizen na nasa 80 taong gulang na. Sina Lolo Leo at Lola Soriña na… Continue reading VP Sara Duterte, binisita ang mga pamilyang biktima ng landslide sa Maco, Davao De Oro

Pagsasampa ng kasong kriminal sa may-ari ng M/T Princess Empress, inirekomenda na ng DOJ

Inirekomenda na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kriminal sa may-ari ng M/T Princess Empress na lumubog sa karagatan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 2023 na naging sanhi ng pagkasira ng karagatan dahil sa oil spill. Ang rekomendasyon ng DOJ ay ibinatay sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division at… Continue reading Pagsasampa ng kasong kriminal sa may-ari ng M/T Princess Empress, inirekomenda na ng DOJ

DILG chief, nagpaalala na mag-ingat sa ‘love scam’ ngayong Valentine’s Day

Ngayong Valentine’s Day, muling nagpaalala si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa lahat na mag-ingat sa mga “love scam” na naging talamak na raket sa mga ganitong panahon. Ayon sa Kalihim, target nilang biktimahin ang mga nalulungkot at naghahanap ng pagmamahal kaya naman maging alerto at huwag magpapabudol. Kasabay ng Valentine’s Day ay ang paggunita… Continue reading DILG chief, nagpaalala na mag-ingat sa ‘love scam’ ngayong Valentine’s Day

Kita ng SSS noong 2023, tumaas ng 9.5%

Sumampa sa P362.20 bilyon ang kabuuang revenue ng Social Security System (SSS) para sa taong 2023. Mas mataas ng 9.5% sa kanilang revenue target para sa naturang taon na P330.80 bilyon. Ayon pa kay SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ito na rin ang pinakamataas na kita na nakamit ng SSS. Kabilang… Continue reading Kita ng SSS noong 2023, tumaas ng 9.5%

Mga ilog sa Imus, Cavite, sasailalim na sa rehabilitasyon

Nagkasundo ang Maynilad Water Services, Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau at ang Imus City Local Government Unit para sa pagsasaayos ng mga ilog sa ilalim ng “Bigkis-Tubig Program” ng nasabing water concessionaire. Nakapaloob sa nilagdaang Memorandum of Understanding na bibigyan ng maayos na proteksyon, rehabilitasyon at tamang pamamahala ang mga ilog, partikular… Continue reading Mga ilog sa Imus, Cavite, sasailalim na sa rehabilitasyon

118 na magkakapareha, ikinasal sa Puerto Princesa kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng “Love Affair with Nature”

Umabot sa 118 na pares ang sabay-sabay na ikinasal kasabay ng ika-20 taon ng pagdiriwang ng “Love Affair with Nature” sa lungsod ng Puerto Princesa na ginanap ngayong taong 2024 sa Sitio Soliman sa Bgy. Iwahig. Nasa 102 sa mga ikinasal ay nagsasama na sa isang bubong at nais na mabigyan ng basbas ang kanilang… Continue reading 118 na magkakapareha, ikinasal sa Puerto Princesa kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng “Love Affair with Nature”

10 pulis ng NCRPO na sangkot sa iligal na pag-aresto ng 4 na Chinese nationals, sinibak sa serbisyo

Sinibak sa serbisyo ang 10 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y iligal na pag-aresto, arbitrary detention, at pagnanakaw sa apat na babaeng Chinese sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Parañaque noong nakaraang Setyembre. Sa ulat ni NCRPO Regional Director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.… Continue reading 10 pulis ng NCRPO na sangkot sa iligal na pag-aresto ng 4 na Chinese nationals, sinibak sa serbisyo