Presyo ng isda sa Mega Q-Mart, bumaba na

Bumaba na ang presyo ng isda sa pamilihan ng Mega Q-Mart sa Quezon City. Aabot sa P20 hanggang P30 ang ibinaba sa presyo ng kada kilo ng isdang galunggong. Nasa P80 na lang ang kada kalahating kilo ng galunggong mula sa dating P90 hanggang P110 kada kalahating kilo. Matatandaang pumalo sa mahigit P200 hanggang P230… Continue reading Presyo ng isda sa Mega Q-Mart, bumaba na

MMDA Humanitarian Team, nagtungo sa Agusan del Sur para maghatid ng tulong sa mga apektado ng malawakang pagbaha

Matapos magserbisyo sa Davao del Norte, nagtungo naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Humanitarian Team sa Agusan del Sur. Ito ay upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng low pressure area. Ayon sa MMDA, dala ng grupo ang solar-powered water filtration units para makapagbigay ng malinis na… Continue reading MMDA Humanitarian Team, nagtungo sa Agusan del Sur para maghatid ng tulong sa mga apektado ng malawakang pagbaha

Pag-uugnay sa Kamara sa ugong ng kudeta sa Senado, pinalagan ng mga mambabatas

Hindi nagustuhan ng ilang mambabatas na nadamay na naman ang Kamara sa isyu sa Senado. Ito’y matapos ang pahayag ng isang senador, na posibleng galing sa Kamara ang isyu ng ‘kudeta’ sa Senate leadership. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nirerespeto nila ang internal rules ng Senado kaya kung anuman ang isyu… Continue reading Pag-uugnay sa Kamara sa ugong ng kudeta sa Senado, pinalagan ng mga mambabatas

Pag-apruba sa 4 na bagong education laws, magpapalakas sa higher education ng Pilipinas — Sen. Chiz Escudero

Nagpasalamat si Senador Chiz Escudero sa mabilis na pagkakapirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng apat na mga batas na layong mapalakas ang education sector ng Pilipinas. “I thank President Marcos for his expeditious action on our bills. Malaking bagay ang mga bagong batas na naipasa upang patuloy natin na mapalakas ang sistema ng… Continue reading Pag-apruba sa 4 na bagong education laws, magpapalakas sa higher education ng Pilipinas — Sen. Chiz Escudero

Investment capital threshold ng mga mamumuhunan, itinaas na sa ₱15 bilyon

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-roll out ang red carpet para sa mga mamumuhunan, itinaas ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang “investment capital threshold” para sa mga proyektong hawak ng Investment Promotions Agencies (IPAs). Mula sa isang bilyong piso, inakyat ito sa ₱15 bilyon na naglalayong gawing investor friendly ang… Continue reading Investment capital threshold ng mga mamumuhunan, itinaas na sa ₱15 bilyon

House panel, pinaaayos ang koordinasyon sa pagitan ng DepEd, TESDA at CHED

Pinagsabihan ng Joint Committee on Basic Education at Higher Technical Education ang Department of Education, TESDA at Commission on Higher Education na ayusin ang kanilang komunikasyon at koordinasyon sa bawat isa. Ginawa ni Committee on Basic Education Chair at Pasig City Rep. Roman Romulo ang pahayag matapos nilang madiskubre na hindi nag-uusap ang kinauukulang ahensya… Continue reading House panel, pinaaayos ang koordinasyon sa pagitan ng DepEd, TESDA at CHED

Marikina solon, pansamantalang pinasususpindi ang pagbabayad ng Philhealth premium ng minimum wage earners

Itinutulak ni Marikina Rep. Stella Quimbo na pansamantalang ihinto ang PhilHealth premium contributions para sa lahat ng minimum wage earners, mapa-self-employed man o may trabaho. Sa kaniyang House Resolution 1595, ipinunto ni Quimbo na layon nitong gamitin muna ng Philhealth ang hindi nagagamit na pondo na inilaan sa PhilHealth para sa premium subsidies upang mabigyang… Continue reading Marikina solon, pansamantalang pinasususpindi ang pagbabayad ng Philhealth premium ng minimum wage earners

Presyo ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyuhan ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City. Ito’y kasunod na rin ng pag-aalis ng closed fishing season na siyang inaasahang makapagpapataas sa produksyon ng isda na makapagpapababa naman sa presyo nito. Ayon sa ilang nagtitinda ng isda, kadalasang bumababa ang presyo ng isda tuwing sasapit ang panahon ng… Continue reading Presyo ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

PNP, nakatanggap ng donasyong sasakyan at pondo para sa bagong kagamitan

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pag-turn over sa PNP ng apat na bagong Toyota Innova vehicles at 28 units ng 55-inch televisions mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI). Ang mga kagamitan ay tinurn-over kahapon sa Camp Crame ni Director Jose Chiquito M. Malayo, ang Presidente at CEO… Continue reading PNP, nakatanggap ng donasyong sasakyan at pondo para sa bagong kagamitan

Philippine Army responders sa Masara landslide, pinarangalan

Pinarangalan ng 10th Infantry Division ang mga Philippine Army personnel na naging bahagi ng Disaster Response and Rescue Operations sa landslide na naganap sa Zone 1, Masara, Maco, Davao de Oro. Ang awarding ceremony sa Camp Gen. Manuel T. Yan Sr., Mawab, Davao de Oro kahapon, Pebrero 19 ay pinangunahan ni 10ID Commander Major General… Continue reading Philippine Army responders sa Masara landslide, pinarangalan