Mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapapalakas ng investment at pagpapabuti ng business environment, welcome sa Japanese gov’t

Positibo ang Japanese government na maganda ang mga isinasagawang pamamaraan at hakbangin ng Pilipinas sa pagpapalakas ng investment at business environment sa bansa. Ayon kay Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, malaki ang kaniyang pagtitiyak na mas maraming mga bansa ang magnanais na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa pagsasaayos ng mga polisiya at maging sa business… Continue reading Mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapapalakas ng investment at pagpapabuti ng business environment, welcome sa Japanese gov’t

Rehabilitasyon ng Pasig River, pinalawak pa ng DHSUD

Tuloy-tuloy na ang konstruksyon para sa susunod na phase ng Pasig River Urban Development Project. Ayon sa DHSUD, ang susunod na bahagi ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project ay pinalawak pa sa Intramuros area sa Maynila. Sinabi ni DHSUD Sec. Acuzar na makatutulong ito ng malaki sa turismo at maging sa lokal na ekonomiya sa… Continue reading Rehabilitasyon ng Pasig River, pinalawak pa ng DHSUD

Modernisasyon ng civil registration system, umusad na sa Kamara

Nagdesisyon ang House Committee on Population and Family Relations na pag-isahin ang tatlong panukalang batas na layong i-modernisa ang civil registration and vital statistics (CRVS) system sa bansa. Kabilang dito ang House Bill 9572 na iniakda nina Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos,… Continue reading Modernisasyon ng civil registration system, umusad na sa Kamara

Ilang Marikeño, hati na bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta

Hati ang ilang Marikeño sa hakbanging bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta kasama na iyong mga e-bike at e-trike. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may ilang nagsabi na bisikleta na lamang ang pinakamura nilang mabibili para makapunta sa kanilang patutunguhan. Katuwiran nila, may itinalaga nang bike lane para doon sila dumaan kaya’t para… Continue reading Ilang Marikeño, hati na bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta

PNP, nanindigang ipinatutupad lang ang batas sa pag-harang ng mga grupong dadalo sa EDSA Anniversary kahapon

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ipinatupad lang nila ang batas trapiko sa pagharang ng ilang grupo na lalahok sana sa aktibidad sa Edsa People Power Anniversary kahapon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, pinaliwanag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na hinarang ang mga jeep na mula Batangas, Laguna at Cavite… Continue reading PNP, nanindigang ipinatutupad lang ang batas sa pag-harang ng mga grupong dadalo sa EDSA Anniversary kahapon

Mandatory installation ng rainwater collection system sa lahat ng bagong itatayong gusali, itinutulak

Nanawagan si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers para sa agarang pag-apruba ng panukala na mag-aatas sa mga bagong itatayong gusali na magkaroon ng rainwater collection system, lalo na sa mga urban o densely-populated na lugar sa bansa. Sinabi ni Barbers, layon ng kaniyang House Bill 4837 na magkaroon ng sapat na suplay ng… Continue reading Mandatory installation ng rainwater collection system sa lahat ng bagong itatayong gusali, itinutulak

AFP chief, pinuri ang mga tropa sa sunod-sunod na tagumpay laban sa NPA at local terrorist groups

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropa sa sunod-sunod na tagumpay laban sa mga teroristang komunista at local terrorist groups sa mga nakalipas na araw. Partikular na kinilala ni Gen. Brawner ang 47th Infantry Battalion, 302nd Brigade, sa pagkaka-nutralisa ng lider ng CPP-NPA Bohol… Continue reading AFP chief, pinuri ang mga tropa sa sunod-sunod na tagumpay laban sa NPA at local terrorist groups

PCG, pinaalalahanan ang publiko sa water safety matapos masawi ang isang binatilyong tumalon sa isang talampas

Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard  (PCG) ang publiko hinggil sa water safety guidelines kabilang na ang pag-iwas sa mga delikadong hakbang. Ito ay matapos ma-recover ng PCG ang isang bangkay sa Magtangcob River, Barangay Paclolo, Magsaysay, Occidental Mindoro kahapon. Kinilala ang biktima na si Ernesto Cardinas Jr., 16-years old, nakatira sa Barangay Bagong Sikat, San… Continue reading PCG, pinaalalahanan ang publiko sa water safety matapos masawi ang isang binatilyong tumalon sa isang talampas

Phil. Air Force, nagsagawa ng maritime patrol malapit sa border ng Pilipinas at Taiwan

Nagkaloob ang Philippine Air Force (PAF) ng aerial Support sa Northern Luzon Command (NOLCOM) sa pag-patrolya sa Northern Luzon Seaboard ng Pilipinas nitong Sabado. Isang C-295 aircraft ng PAF ang ginamit sa pagsasagawa ng maritime patrol sa Itbayat, Sabtang, at Babuyan Islands, malapit sa border ng Pilipinas at Taiwan. Walang iniulat na kakaibang aktibidad sa… Continue reading Phil. Air Force, nagsagawa ng maritime patrol malapit sa border ng Pilipinas at Taiwan

Kakayahan ng Philippine Army sa cyber-warfare, itinanghal sa Cyber-Skills Development Activity

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay sa cyber-skills development ang Philippine Army nitong weekend sa Fort Bonifacio, Taguig. Ang pagsasanay ay nilahukan ng walong team na binubuo ng mga opisyal, enlisted personnel, mga estudyante, at sibilyang eksperto. Dito’y nagsanay ang mga kalahok sa pag-apply ng theoretical na kaalaman sa mga praktikal na aplikasyon. Layon ng… Continue reading Kakayahan ng Philippine Army sa cyber-warfare, itinanghal sa Cyber-Skills Development Activity