Higit 1,000 sambahayan sa Aklan, nagtapos na sa 4Ps

Aabot sa 1,182 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Aklan ang nagsipagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Isinagawa ang pagkilala sa mga ito sa ANI 2024 Simultaneous Graduation Ceremony na inorganisa ng DSWD Field Office-6 (Western Visayas) mula February 16, 20, 22, at 27. Layon ng graduation… Continue reading Higit 1,000 sambahayan sa Aklan, nagtapos na sa 4Ps

Panukalang pagsabayin ang plebisito para sa cha-cha at local elections sa 2025, dapat pa ring pag-aralan — PBBM

Bagamat nagpahayag ng pagiging bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa posibilidad na pagsabayin na lamang ang plebisito para sa charter change at local elections sa 2025, inihayag ng Chief Executive na kailangan pa din itong pag-aralan. Sa ambush interview kay Pangulong Marcos Jr. sa Villamor airbase, sinabi nitong baka maaari ay pagsabayin na… Continue reading Panukalang pagsabayin ang plebisito para sa cha-cha at local elections sa 2025, dapat pa ring pag-aralan — PBBM

SAICT ng DOTr, magsasagawa ng malawakang talakayan sa mga kolorum na ambulansya

Inihayag ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) na magsasagawa ito ng malawakang talakayan patungkol sa mga kolorum na ambulansya sa March 1, 2024. Katuwang ng SAICT ang Department of Health at Technical Education and Skills Development Authority. Layon nitong paigtingin ang kampanya laban sa mga kolorum na ambulansya, at… Continue reading SAICT ng DOTr, magsasagawa ng malawakang talakayan sa mga kolorum na ambulansya

Dagdag na pondo para sa 4Ps, malaking tulong sa 4.4 milyong mahihirap na pamilya — DSWD

Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development ang inilaang budget na P106.3 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, malaking tulong umano ito upang matugunan ang mahigit sa 4.4 milyon na eligible poor households sa bansa. Ang budget allocation para sa 4Ps ay nakapaloob sa 2024… Continue reading Dagdag na pondo para sa 4Ps, malaking tulong sa 4.4 milyong mahihirap na pamilya — DSWD

P150 billion assets ng Philippine Reclamation Authority, handa nitong itulong sa pamahalaan

Tiniyak ng pamumuan ng Philippine Reclamation Authority na mahaba ang pisi ng kanilang pwedeng itulong sa pamahalaan. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PRA Asst. General Manager Joselito Gonzales na madadagdagan pa ang kasalukuyang P150 bilyon na unaudited asset nito sa oras na kumita na ang mga investment ng kanilang ahensya. Giit ng mga opisyal… Continue reading P150 billion assets ng Philippine Reclamation Authority, handa nitong itulong sa pamahalaan

Pilipinas at South Africa, nagkasundong palakasin ang relasyong pandepensa

Nagkasundo ang Pilipinas at South Africa na palakasin ang relasyong pandepensa at tumuklas ng mga bagong larangang pang-kooperasyon. Ito’y sa pakikipagpulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay Ambassador of South Africa to the Philippines H.E. Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe, sa pagbisita ng huli sa DND. Tinukoy ni Sec. Teodoro ang Logistics at… Continue reading Pilipinas at South Africa, nagkasundong palakasin ang relasyong pandepensa

PSA, tiniyak ang accessible na serbisyo ng PhilSys para sa lahat

Sinisiguro ng Philippine Statistics Authority na accessible sa lahat ng mamamayang Pilipino ang serbisyo ng Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, sinisikap ng ahensya na malibot ang lahat ng rehiyon at lalawigan para sa PhilSys registration . Sinabi pa niya na lahat ng tauhan… Continue reading PSA, tiniyak ang accessible na serbisyo ng PhilSys para sa lahat

Resulta ng cost benefit analysis ng pamahalaan kaugnay sa PhilHealth premium increase, malapit nang matapos

Patuloy pang tinitimbang ng pamahalaan kung itutuloy o ipagpapaliban muna ang pagtaas ng premium contribution ng PhilHealth, mula sa 4% patungong 5%. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lumalawak ang serbisyo ng PhilHealth, at sinisikap ng tanggapan na maabot ang mas maraming Pilipino. Halimbawa aniya ang pagbabayad ng mas maraming dialysis session para sa… Continue reading Resulta ng cost benefit analysis ng pamahalaan kaugnay sa PhilHealth premium increase, malapit nang matapos

Desisyon ng Pilipinas kontra sa imbestigasyon ng ICC, muling iginiit ng DOJ

Muling binigyang diin ng Department of Justice na hindi magbabago ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa nais ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte. Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mananatili ang polisiya ng pamahalaan na walang karapatan ang ICC… Continue reading Desisyon ng Pilipinas kontra sa imbestigasyon ng ICC, muling iginiit ng DOJ

Tulong sa mga apektado ng reclamation projects, tiniyak ng PRA

Siniguro ng pamunuan ng Philippine Reclamation Authority(PRA) na may ginagawa ang kanilang ahensya para matulungan ang publiko na apektado ng mga reclamation projects. Ayon kay PRA Asst. General Manager Atty. Joseph Literal, mayroon silang Social Development Management Plan na siyang direktang aktibidad na nakalaan para sa mga apektado ng ibat ibang proyekto ng PRA. Paliwanag… Continue reading Tulong sa mga apektado ng reclamation projects, tiniyak ng PRA