Inilunsad ng Northern Luzon Command sa pamamagitan ng 1st Civil Relations Group ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) sa ilalim ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ng Philippine National Police (PNP) ang AFP-PNP Career Guidance Program para sa senior High School students.
Ang proyekto na binansagang Project UniVISITy “CAREer Guidance Program” ay inilunsad sa Lindawan National High School, Barangay Lucnab, Baguio City kahapon.
Layon ng proyekto na imulat ang mata ng kabataan sa kanilang papel sa nation building, at buhayin ang kanilang interes sa possibleng career sa unipormadong serbisyo.
Ang career guidance program ay bahagi ng “Project UniVISITy” ng NOLCOM na unang inilunsad sa Central Luzon noong 3rd quarter ng 2022.
Nagpasalamat naman ang Lindawan National High School sa pribilehiyo ng pag-host sa aktibidad sa unang pagkakataon na anila’y isang natatanging ehemplo ng magandang kolaborasyon ng mga paaralan at mga unipormadong ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne