Nag-deploy na ang lokal na pamahalaan ng Davao ng grupo ng mga psychometricians at social workers sa Davao de Oro.
Labing-apat na mga personahe ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang ipinadala upang magbigay ng serbisyo partikular na ang psychological first aid at psychosocial support services sa mga pamilya na apektado ng landslide sa Brgy. Masara sa Maco, Davao de Oro.
Una nang sinabi ng Philippine Mental Health Association Davao City Chapter na hindi lamang tulong pinansyal, pagkain at welfare goods ang kailangan ng mga biktima ng kalamidad ngunit maging ang psychosocial intervention at stress debriefing lalo na sa mga survivors at sa mga pamilya na may namatayan.
Maliban sa psychosocial support, una nang nag-abot ang City Government of Davao ng welfare goods sa Davao del Norte at Davao de Oro na apektado sa nakaraang kalamidad.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao