Lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang palakasin ang pagtutulungan ng dalawang ahensya sa pagprotekta sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Pinangunahan nina DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at CICC Executive Director Alexander Ramos ang joint signing ng Memorandum of Agreement (MOA).
Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang DMW at CICC na sugpuin ang mga ilegal na aktibidad sa information and communication technology.
Layon din ng kasunduan na mapigilan at parusahan ang sinumang mapatutunayang lalabag sa Data Privacy Act, at target din nitong mapabilis ang digitization process ng DMW para sa mga OFW.
Samantala, sinabi rin ng CICC na tutulungan nito ang DMW sa pag-digitize ng record nito sa illegal recruitment at trafficking-in-person. | ulat ni Diane Lear