Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro, at ang evacuees sa isang evacuation site.
Unang binisita ni Secretary Gatchalian ang mga sugatan na naka-confine sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, para personal na maibigay ang medical assistance.
Pagkatapos, ay tumungo isang funeral homes sa Mawab kung saan nakaburol ang mga namatay para naman sa pamimigay ng burial assistance.
Pagkatapos ay tumungo sa Nuevo Iloco National High School evacuation site para sa pamamahagi ng dagdag na relief goods.
Sa mensahe ni Sec Gatchalian, sinabi nitong mismong si Pres. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-utos sa kanyang bumalik sa Davao de Oro upang personal na masuri ang sitwasyon ng mga apektadong residente at ang kanilang mga pangangailangan para agad itong matugunan agad ito ng pamahalaan.
Siniguro nitong walang apektadong residente ang magugutom, at aniya gagawin ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan, ma-onsite man o off-site na evacuees.
Pagkatapos ng evacuation site visit, ay tumungo na ang kalihim sa Ground Zero para personal ring makita ang nagpapatuloy na search, rescue and retrieval operation.
Mula Masara, agad na bumalik si Sec. Gatchalian sa Davao Airport para salubungin ang C130 ng AFP na may dalang relief goods na inilaan para sa Davao Region na una nang sinalanta ng shear line noong Enero, at LPA trough nitong unang linggo ng Pebrero na nagdulot ng malawakang pagbaha, pati na ng landslide sa Masara.| ulat ni Maymay Benedicto| RP1 Davao