Bubuo na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Vape Certification facilities para sa pagsusuri ng mga vape product sa bansa.
Ayon kay Trade Secretary Aflredo Pascual, ito ay sa kabila ng pagpasa ng Vape Law upang magkaroon ng testing sa mga naturang produkto na makapasa sa Philippine standards ang vape products na papasok sa bansa.
Dadag pa ni Sec. Pascual, na bago makapagparehisto ng kanilang vape products na maaaring pumasok sa bansa ay dadaan muna ito sa mga vape certification facilities, upang masiguro na ligtas itong gamitin o i-consume ng publiko.
Sa huli, muling iginiit ng DTI na mahigpit nila itong ipapatupad sa lahat ng vape stores sa bansa upang maiwasan ang pagpasok ng hindi accredited na vape products sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio