Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga natatanging sundalo at opisyal sa kanyang pagbisita kahapon sa 103rd Infantry Brigade sa Marawi City.
Dito’y ginawaran ni Gen. Brawner ng gold at silver Cross medal ang mga sundalo na responsable sa nutralisasyon ng mga miymebro ng Daulah Islamiyah na nasa likod ng Mindanao State University bombing noong December 2023.
Sinabi ni Gen. Brawner na ang mga medalya ay simbolo ng pagsisikap, dedikasyon at propesyonalismo ng mga sundalo sa pagsisilbi hindi lamang sa mga taga-Lanao Del Sur, at Lanao Del Norte, kundi sa buong Pilipinas.
Binigyang diin ni Gen. Brawner ang strategic at national value ng misyon ng mga tropa sa pagtugis sa Daulah Islamiyah, upang maipakita sa buong mundo ang paraan ng pagsugpo ng Pilipinas sa terorismo. | ulat ni Leo Sarne
Photos by SSg Ambay/PAOAFP