Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng civil works contracts para sa pagsasakatuparan ng Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP).
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na isang game changer ang naturang proyekto na maaaring gawing template para sa public mass transport system sa ibang mga lungsod.
Hindi lang ito magbibigay ng komportable at abot-kayang transportasyon sa mga commuters, kundi ito rin ay isang patunay sa pagsasakatuparan ng pangako ng kanyang administrasyon na mas mapaunlad ang Davao Region.
Aniya, ang tagumpay ng implementasyon ng DPTMP ay nakasalalay, hindi lang sa performance ng iisang ahensya, kundi pati na sa suporta ng local government at informed consent ng mamamayan.
Pinasalamatan ng Pangulog ang mga local leaders ng Davao City dahil sa ibinibigay na buong suporta nito sa proyekto, magmula nang sinimulan ito sa panunungkulan ni Vice President Sara Z. Duterte noong siya ay alkalde pa ng lungsod
Dagdag dito, binanggit rin ng Pangulo na inutusan na nito ang DOTr at Department of Finance na maghanap na financing sources para sa 103km railway na magkokonekta sa Tagum City sa Davao del Norte at Digos City sa Davao del Sur.
Ang ceremonial signing ng mga kontrata kanina ay hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon ng depots, terminals, bus stops, bus lanes, pedestrian lanes, at isang driving school.
Ang P73.4B na high-quality bus-based transportation system ay may siyam na ruta na magkokonekta sa mga key areas sa Davao City, Panabo City, at Davao del Norte.| ulat ni Maymay Benedicto| RP1 Davao