Binigyang diin ni dating Finance Secretary Margarito Teves na ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asian region na may constitutional restrictions tungkol sa foreign ownership.
Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments tungkol sa panukalang Economic Cha-cha, pinunto ni Teves na kinakailangan nang luwagan ng Pilipinas ang restrictive economic provisions ng ating Saligang Batas.
Ito lalo na aniya’t nahuhuli na ang ating bansa sa mga kapitbahay natin sa Southeast Asia at naungusan na ng mga bansang Indonesia, Vietnam, Malaysia at Thailand pagdating sa foreign direct investments.
Kaugnay nito, kabilang sa mga nirerekomenda ni Teves ang pagpapahintulot ng 100 percent foreign ownership sa ilang mga sektor
Naniniwala ang dating finance chief na ang pagtanggal ng mga economic restrictions ay magbibigay ng malinaw na mensahe sa mga dayuhang mamumuhunan na welcome silang magnegosyo dito sa Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion