Tiniyak ni Czech Ambassador to the Philippines Karel Hejč ang suporta ng Czech Republic sa Armed Forces of the Philippines Modernization Program.
Ang katiyakan ay binigay ng embahador sa kanyang pakikipagpulong kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino sa DND kamakailan.
Dito’y inihayag ng embahador ang kanilang kahandaang mag-suplay ng mga gamit pandepensa mula sa small arms, hanggang sa makabagong defense platforms.
Ayon kay Hejč, bukas ang kanilang pamahalaan sa government-to-government cooperation, pagtuklas ng manufacturing arrangements at financing options para sa mga potensyal na proyekto sa Pilipinas.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, natalakay din ang ang ilang prospekto para sa long-term defense cooperation sa ilalim ng 2017 Agreement on Defense Cooperation at ang 2021 Memorandum of Understanding patungkol sa Cooperation sa Area of Defense Industry at Logistics sa pagitan ng DND at ng Czech Ministry of Defense. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND