Paghahain ng kaso ng DOJ laban kay Pastor Quiboloy, pinuri ni Gabriela party-list Rep. Brosas

Welcome para kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang desisyon ng Department of Justice na sampahan na ng kaso si Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy. Ayon kay Brosas, panahon na para kumilos ang DOJ para panagutin si Quiboloy. Nitong Lunes, mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nag-atas sa City… Continue reading Paghahain ng kaso ng DOJ laban kay Pastor Quiboloy, pinuri ni Gabriela party-list Rep. Brosas

Academic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Turkey, palalawakin

Plano ng Commission on Higher Education (CHED) na mapalawak pa ang ugnayan nito sa Council of Higher Education (YÖK) sa bansang Turkey pagdating sa academic partnership partikular sa Science and Technology, Engineering, at Fisheries. Sa sidelines ng Eurasia Higher Education Summit, nakipagpulong si CHED Secretary Popoy De Vera kay CoHE President Erol Özvar para tukuyin… Continue reading Academic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Turkey, palalawakin

Re-supply vessel na Unaizah May, nakalusot sa tangkang pagharang ng China Coast Guard habang nagsasagawa ng RoRe mission sa Ayungin Shoal

Kinumpirma ng Naval Forces West ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tangkang pagharang muli ng China Coast Guard sa re-supply ship ng Pilipinas. Ito’y sa nagpapatuloy na Rotation and Re-supply mission ng AFP sa mga tropang nakahimpil sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na bahagi ng pinagtatalunang West Philippine Sea. Sa “X”… Continue reading Re-supply vessel na Unaizah May, nakalusot sa tangkang pagharang ng China Coast Guard habang nagsasagawa ng RoRe mission sa Ayungin Shoal

Mga tsuper ng jeepney sa Marikina City, tila bitin sa ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo

Aminado ang ilang tsuper ng jeepney sa Marikina City na bitin ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw. Gayunman, ilan sa mga jeepney driver na nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagsabing uubra na ito kaysa sa wala. Anila, hindi naman sila bumibitiw sa pag-asang bababa pa ang presyo ng langis… Continue reading Mga tsuper ng jeepney sa Marikina City, tila bitin sa ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo

Inflation nitong Pebrero, bumilis sa 3.4% — PSA

Bahagyang bumilis ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Pebrero ngayong 2024. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 3.4% ang inflation nitong Pebrero, mas mataas ito sa 2.8% inflation noong Enero habang mas mabagal naman kung ikukumpara sa 8.6% inflation sa kaparehong buwan… Continue reading Inflation nitong Pebrero, bumilis sa 3.4% — PSA

Pres. Marcos Jr, hinikayat ang mga Pinoy sa Australia na bumisita at tingnan ang bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pinoy sa Australia na bisitahin naman ang bansang sinilangan at tingnan ang Pilipinas sa harap ng Bagong Pilipinas campaign ng kanyang administrasyon. Ayon sa Pangulo, on track ang kanyang administrasyon para maabot ang agenda hinggil sa social at economic transformation. Hindi aniya dapat malimutan ang kasabihang… Continue reading Pres. Marcos Jr, hinikayat ang mga Pinoy sa Australia na bumisita at tingnan ang bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas

Operasyon ng NFA, di maaantala sa kabila ng imbestigasyon sa anomalya sa bentahan ng imbak na bigas — DA Sec. Laurel

Siniguro ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi maaapektuhan ang operasyon ng National Food Administration (NFA) ng ikinakasa ngayong imbestigasyon sa anomalya ng bentahan ng imbak na bigas. Kasunod ito ng preventive suspension na ipinataw sa higit 100 opisyal ng ahensya kasama sina NFA Administrator Roderico Bioco, Assistant Administrator John Robert Hermano, at… Continue reading Operasyon ng NFA, di maaantala sa kabila ng imbestigasyon sa anomalya sa bentahan ng imbak na bigas — DA Sec. Laurel

Focus crimes sa QC, bumaba ng higit 50% — QCPD

Patuloy ang pagbaba ng mga krimeng naitatala ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod. Batay sa datos ng QCPD, bumaba pa sa 54.05% ang walong focus crimes sa Quezon City mula February 26 – March 3, 2024. Kabilang sa 8 Focus Crime ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor… Continue reading Focus crimes sa QC, bumaba ng higit 50% — QCPD

Dilg Sec. Abalos, umaasang maplantsa na ang alitan sa parke sa pagitan ng Taguig at Makati

Sinisikap na rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na mabigyang solusyon ang panibagong alitan sa pagitan ng mga alkalde ng Makati City at Taguig City. May kaugnayan ito sa pagpapasara ng Makati Park and Garden. Personal na binisita kahapon, March 4, ni Sec. Abalos ang pinag-aalitang lugar… Continue reading Dilg Sec. Abalos, umaasang maplantsa na ang alitan sa parke sa pagitan ng Taguig at Makati

Pres. Marcos Jr., iginiit na interes ng Pilipinas ang isinaaalang-alang sa gitna ng matibay na tindig hinggil sa independent foreign policy

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na interes ng Pilipinas ang nagsisilbing sukatan para tindigang matatag ang independent foreign policy ng kanyang administrasyon. Sa pagsalang ng Pangulo sa question and answer  kasunod ng kanyang keynote speech sa Lowy Institute sa Melbourne, binigyang-diin nitong hindi impluwensiya o sulsol ng alinmang bansa gaya ng Amerika ang… Continue reading Pres. Marcos Jr., iginiit na interes ng Pilipinas ang isinaaalang-alang sa gitna ng matibay na tindig hinggil sa independent foreign policy