Kabayan party-list solon, hiling na alisin na ang deployment ban sa Kuwait

Nanawagan si Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa pamahalaan na aralin at ikonsidera na alisin na ang ipinataw na deployment ban sa Kuwait. Ayon sa mambabatas, magdudulot lamang ito ng epekto sa ekonomiya at diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kung patatagalin pa. Ang deployment ban ay itinalaga noong February 2023 dahil sa… Continue reading Kabayan party-list solon, hiling na alisin na ang deployment ban sa Kuwait

AFP, walang na-monitor na mga foreign ship sa Benham Rise

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa Benham Rise. Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng isinagawang pagpapatrolya ng mga barko ng Pilipinas sa nasabing karagatan. Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na sa nakalipas na… Continue reading AFP, walang na-monitor na mga foreign ship sa Benham Rise

Mangingisda na nakadiskubre sa 20 bloke ng cocaine sa Eastern Samar, binigyan ng pabuya ng PNP at LGU

Nakatanggap ng pabuya na P30,000 mula sa PNP at P50,000 mula sa LGU ang mangingisda na nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa 20 bloke ng cocaine na lumulutang sa karagatan ng Arteche, Eastern Samar noong nakaraang Biyernes. Ito’y matapos na marekober ng mga awtoridad ang kontrabando na nagkakahalaga ng P111 million. Nagpasalamat naman… Continue reading Mangingisda na nakadiskubre sa 20 bloke ng cocaine sa Eastern Samar, binigyan ng pabuya ng PNP at LGU

PhilHealth, ipapatupad ang libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan simula Hulyo

Inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez na ipatutupad na ng PhilHealth ang libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan. Ayon sa House leader magandang balita ito lalo na ngayong ipinagdiriwang ang National Women’s Day. Aniya, nagpahayag ng kahandaan ang state health insurer na ipatupad ang libreng mammogram at ultrasound matapos ang kanilang naging pulong nitong… Continue reading PhilHealth, ipapatupad ang libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan simula Hulyo

Dating benepisyaryo ng 4Ps, top notcher sa Criminologist Licensure Exam

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isa na ngayong board top notcher ang dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na si Angeline. Mula sa Imus, Cavite si Angeline na dating monitored child ng DSWD-4Ps, at ngayo’y 2nd top spot sa katatapos na February 2024 Criminologist Licensure Examination (CLE). Nagtapos… Continue reading Dating benepisyaryo ng 4Ps, top notcher sa Criminologist Licensure Exam

Mahigit ₱400-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektado ng El Niño

Tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng pananalasa ng matinding tagtuyot sa bansa. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council nakapagbigay na ang gobyerno ng mahigit ₱404 milyon. Ipinamahagi ang financial assistance sa mga taga-Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan ng MIMAROPA region. Ipinadaan ang tulong… Continue reading Mahigit ₱400-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektado ng El Niño

Menstrual products, ipinanawagan na ilibre na sa buwis

Nanawagan ang isang mambabatas na malibre na sa buwis ang “menstrual products.” Bilang pakikiisa sa Women’s Month, sinabi ni Ako Ilocano Ako Party-list Representative Richelle Singson na dapat nang gawing tax-free ang mga produktong karaniwang ginagamit ng mga kababaihan kapag sila ay nagkakaregla. Halimbawa aniya nito ang menstrual pads at tampons na sa kasalukuyan ay… Continue reading Menstrual products, ipinanawagan na ilibre na sa buwis

Bentahan ng sibuyas sa ADC Kadiwa Store, nananatiling abot-kaya

Mura pa rin ang bentahan ng lokal na sibuyas sa ADC Kadiwa Store sa gilid ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Elliptical Road, Quezon City. Nagkakahalaga lang ng ₱50 ang kada kilo ng puting sibuyas habang ₱70 naman ang kada kilo ng pulang sibuyas. Ang mga sibuyas na ito ay mula sa ani ng… Continue reading Bentahan ng sibuyas sa ADC Kadiwa Store, nananatiling abot-kaya

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay nabawasan pa ng 30 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 202.78 meters. Halos dalawang metro na ang agwat mula… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Mga nagtitinda ng karne ng baboy, umaaray dahil sa matumal na bentahan sa kabila ng murang farm gate price nito

Umaasa ang mga nagtitinda ng baboy sa Pasig City Mega Market na makabawi sa kanilang benta sa mga susunod na araw o linggo. Ito’y dahil sa nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy dahil sa mahal na presyo nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang nagtitinda ng baboy na nasa ₱60 kada… Continue reading Mga nagtitinda ng karne ng baboy, umaaray dahil sa matumal na bentahan sa kabila ng murang farm gate price nito