Mag-inang halos isang buwan nang nawawala sa Quezon, natagpuan na; person of interest, hawak na ng pulisya

Bangkay nang natagpuan ng Tayabas City Police Station ang mag-ina na halos isang buwan nang napaulat na nawawala. Sa impormasyong ipinabatid sa Kampo Crame ni Philippine National Police – Area Police Command Southern Luzon Chief, P/LtGen. Rhoderick Armamento, nakita ang labi ng mag-ina sa madamong bahagi ng Bella Vista Subd. sa Brgy. Isabang. Ang mga… Continue reading Mag-inang halos isang buwan nang nawawala sa Quezon, natagpuan na; person of interest, hawak na ng pulisya

Mas ligtas na ruta para sa mga barko na lulan ang Pinoy seafarers, panawagan

Nanawagan ang isang mambabatas na magkaroon ng iba o mas maikling ruta para sa mga cargo ships kung may lulan na Filipino seafarers. Kasunod na rin ito ng pagkamatay ng dalawang Pinoy seafarer at pagkasugat ng iba pa sa pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden. Ayon kay Biñan City Representative Len Alonte, masyado… Continue reading Mas ligtas na ruta para sa mga barko na lulan ang Pinoy seafarers, panawagan

Paglulunsad ng agri-reforestation app ng Philippine army at NGO, pinangunahan ni Sec. Teodoro

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang paglulunsad ng agri-reforestation app ng Philippine Army Armor Division at Tarlac Heritage Foundation (THF) na pinamagatang “Gift of Tree” sa Camp O’Donnel Capas, Tarlac kamakalawa. Ang “Gift of Tree” app ay magbibigay ng madaling paraan para makapag-sponsor ang publiko ng seedling para sa tree-planting… Continue reading Paglulunsad ng agri-reforestation app ng Philippine army at NGO, pinangunahan ni Sec. Teodoro

Kahandaan ng bansa sa pagtugon sa forest fires, pinasisiyasat

Nais malaman ng isang mambabatas kung may sapat na kakayanan at kahandaan ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa forest fires. Sa House Resolution 1603 ni Benguet Rep. Eric Yap, binigyang diin nito na mahalagang malaman kung may kapasidad ang bansa sa pagtugon sa forest fires upang maiwasan o mapigilan ang naturang sakuna at… Continue reading Kahandaan ng bansa sa pagtugon sa forest fires, pinasisiyasat

Heat stroke break sa mga tauhan ng MMDA, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang 30-minute ‘heat stroke break’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga field personnel nito. Ayon sa MMDA, ang naturang break ay bahagi ng kanilang hakbang na layong mapigilan ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng tag-init sa mga field personnel nito na babad sa matinding sikat… Continue reading Heat stroke break sa mga tauhan ng MMDA, epektibo na ngayong araw

Presyo ng asukal sa Marikina Public Market, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyuhan ng asukal sa Marikina Public Market sa kabila na rin ng bilyong pisong pinsalang naitala sa mga taniman ng tubo bunsod ng El Niño. Sa pagbabantay ng Radyo Pilipinas sa presyuhan ng asukal sa Marikina City Public Market, nananatili sa ₱90 hanggang ₱92 ang presyo sa kada kilo ng puting asukal.… Continue reading Presyo ng asukal sa Marikina Public Market, nananatiling matatag

DSWD, handa nang palawakin ang food stamp program sa Hulyo

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng mas pinalawak na Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) simula ngayong Hulyo. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Baldr Bringas, mula sa 3,000 ay iaakyat sa karagdagang 300,000 ang magiging benepisyaryo ng prograam ngayong taon. “Ang plano po natin is by July,… Continue reading DSWD, handa nang palawakin ang food stamp program sa Hulyo

Satisfaction rating ni Pangulong Marcos, tumaas — SWS

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kumpiyansa sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Social Weather Stations (SWS). Batay sa inilabas nitong survey, tumaas ng tatlong puntos ang satisfaction rating ng Pangulo na nasa +47 noong Disyembre ng 2023 mula sa +44 noong Setyembre ng 2023. Nananatili pa rin ito sa ‘good’… Continue reading Satisfaction rating ni Pangulong Marcos, tumaas — SWS

Bodega ng isang vape brand sa Laguna, ni-raid ng BIR

Sinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bodega ng isang kilalang vape brand sa Laguna dahil sa bigong pagbabayad ng tamang buwis. Nagresulta ito sa pagkumpiska ng nasa 1,029 master boxes (102,900 bote) ng mga vape at pagkaaresto rin ng dalawang tauhan ng warehouse sa San Pablo, Laguna. Katuwang sa ikinasang operasyon ng BIR… Continue reading Bodega ng isang vape brand sa Laguna, ni-raid ng BIR

Sen. Cynthia Villar, isinusulong na ring maimbestigahan sa Senado ang pagkakaroon ng resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol

Paiimbestigahan na rin ni Senator Cynthia Villar ang isyu ng pagtatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol. Ayon kay Villar, maghahain siya ng resolusyon para magkaroon ng Senate Inquiry at malaman kung paanong nangyaring nakapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate hills na itinuturing na protected UNESCO Geopark. Inaasahang ang Senate Committee… Continue reading Sen. Cynthia Villar, isinusulong na ring maimbestigahan sa Senado ang pagkakaroon ng resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol